
LUNA (A Halloween Special)
sa bawat galaw ng kanyang ulo…
mayroon siyang nakikita at di nalilito
mabilis ang iling kaliwa’t kanan ito
sabay lipad saan kaya ito dadapo
sa aking balikat pala ang kanyang napili
napakagaan ang kanyang paglapag pati
kung tawagin ko siya’y “Sebastian” at naglalambing
nag-iingay sa aking tabi’t parang may sinasabi
katulad mo’y parang inakay sa kanilang tabi’y umaalis
pinagmamasdan ang sarili’t dali-dali kang tumalilis
hinahanap ang kasagutan sa sakit na nakakatangis
takot na takot sa agilang nakaumang at tunay na mabangis
sa gabing madilim sinundan mo’y kaluskos at biglang may humataw
ang nakakasalubong mo’y hindi lang dalaw
sila’y gumagala’t paroo’t parito ang galaw
hoy! hindi ito ang iyong lugar at ikaw ay isang singaw
bigla kang nagimbal takot na takot at tumakbo
paglabas mo’y nagkasalubong nga tayo
ang iyong titig sa akin at nakilala mo ba ako
marahil nga’t sa ating mundo’y nahagilap mo ako
isang babae’t maiksi ang kanyang buhok
nakasuot ng wari ko’y t-shirt at hapit na pantalon
walang sapin sa paa’t ang mukha’y nakatago ng kanyang buhok
isang libro ang kanyang hawak at nagtatatakbo sa isang sulok
nagkikita tayong madalas sa panaginip
nakikita kita sa madilim na lugar ay sumisilip
ang kabilin-bilinan ko sa iyo’y huwag ka ng babalik
doon ay may mabagsik na bantay at siya’y kahindik-hindik
minsan na ako sa gitna ng kadiliman ay tumambay
iba’t-ibang mukha ang aking nakatagpo’t sila’y umaaray
sila’y naghihinagpis at kalungkutan ang kanilang taglay
sa katititig ko’y kamuntik na akong lunukin ng bantay
hindi ko rin alam kung bakit kailangan kang huminto
wala sa madilim ang kasagutan at huwag kang malilito
harapin ang katotohanan at ang Diyos lamang ang may tanto
sana’y alam ko rin ang kasagutan ngunit patawad iyan ang totoo
marahil tayo’y magkatulad sa hindi pangkaraniwang buhay
ang aking mga ibon sila’y nakita mo na sa aking bahay
nakita ko ang iyong ginuhit na ibon at iniba mo lang ang kulay
sa aking panaginip ikaw ay malakas at buhay na buhay
ang aking koleksyon ng mga ibon sa bintana’y aking napagmasdan
sina “Mercedes at Sebastian” ay mga pamagat ng aking kuwentong tapusan
sa kuwento ni Sebastian ay may dalawang sementeryo sa aming lugar
napagtanto ko na’t huwag ka ng matakot at ikaw ay nasa Kanya ng kaharian
si “Sebastian” ay ang sampung taong batang mahilig magsulat at nagkipkip ng libro
mahilig din syang magbasa sa madilim at mayroon daw syang kaibigan na babaeng multo
inilarawan ng bata ang kanilang pagkikita sa hardin at ibinaon malapit sa fountain ang kanyang libro
ireregalo nya sana sa ama ang libro para sa Pasko ngunit nawala si Sebastian sa kagubatan kasama ng kanyang tiyo
sa palagay ko’y hindi na magkrukrus ang ating landas at ito’y huli na
palagay na ang iyong loob at nakausap ko na rin ang iyong ama
hindi siya naniniwala ngunit nasabi ko rin ang bilin mo gaya ni “Sebastian”
ito’y magsisilbing huling tula sa iyong koleksyon at paalam, Luna!
Written by MRS. PUNK ROCK CIELITO’S #EBIGAN BOOK
Ang aking kuwento’y isang kathang-isip po lamang. Kung ito’y may pagkakahawig sa inyong pangalan (patay man o buhay), pook at pangyayari. Ito’y hindi ko po sinasadya at nagkataon lamang.
Illustration by JERICATURES

Happy International Women’s Day 2021, “POUR HOMME” Happy Father’s Day 2020!, BRIDGING THE GAP (A VALENTINE’S DAY BLOG), TOOTSIE ROLL (A DOG’S LIFE), THE VERY ROCKY ROAD (Happy Father’s Day 2021)
Here’s the good news. Due to insistent public demand of our readers, Mrs. Punk Rock Cielito and Jericatures will launch their first ENGLISH comic series next year! It will be published in our Valentine’s Day 2022 issue. We will keep you updated. That’s really Pilyamazing! SUBSCRIBE NOW! Maraming salamat po.