SUBENIR MAGAZINE

New! Da Subenir of the Queen of the Queens Phil. Asia Hamburg Germany 2023

New! Da Subenir of Likha’t Latik by Dollglam Production

New! DA SUBENIR OF THE 9th PCGB VALENTINE’S PARTY

New! VS Competition (Christmas Gala Night 2022 by FHE)

New! DA SUBENIR OF CHRISTMAS GALA FASHION SHOW & DANCE 2022 BY EGE

Now Open! Design & Print Custom T-shirts etc. at SUBENIR SHOP 1610

sina Ateng at Ditse’y nagpapaligsahan sa pangongolekta

paramihan sila ng tipar na pinupuntahan at sila’y feeling bida

binyagan o kaarawan o kasalan o anibersaryo man at sila’y nangunguna

abot kayang mga pigurin o lapis o abaniko o maging bimpo’y inaarbor pa

nabasag na nga ang pigurin at pinambato na ni Inay kay Itay o vice versa

naupod na nga ang lapis din at ito’y gamit mo sa pagpirma kay Bumbay o hindi ba?

ang abaniko’y pinang regalo ni bunso sa kanyang titser upang siya’y makapasa

at ang bimpo’y naitapon na’t nailampaso ito sa sahig ng ulyanin mong lola

ngunit si Ditse’y mayroon isang subenir na iniingatan at pinagkakatago-tago

isang magasin at nandoon kasi ang litrato ng lalaking nakatable niya sa tipar ni Frudo

nandoon rin ang litson at ang babaeng nakatapak ng balat ng saging at nakitaan ng ano?

kahit walang wi-fi ay abeylabol ito sa kahit anong oras at araw sa iyong paningin at hipo

matalo ka man o manalo…

isipin mo ang hari o reyna na iuupo sa trono…

hindi ka magsasawa sa kanya’t pagmumukha mo…

makailang beses mo man buklatin ay hindi ito magbabago…

ito’y kakaiba’t gawa rin ng isang Pilya na katulad mo…

by Maria Ces Seidel

Bring your memories to life. Contact us.