

“POUR HOMME” is the collaboration of Mrs. Punk Rock Cielito, Pilya blogger and Jerome Lupisan (Jericatures), featured artist. It is a special offering of Pilya Blog Magazine for Father’s Day on June 21, 2020.
“JERICATURES” is the brainchild of Jerome Lupisan. Jerome Lupisan is a Filipino teacher, writer and artist from Indonesia. Jerome Lupisan is also an ARTIST FOR HIRE. Please visit his fb page, Jericatures and Instagram: thisjerboymustdie. Mrs. Punk Rock Cielito is Maria Ces Seidel, author, photographer and publisher of Pilya Blog Magazine. “Pour Homme” is a blog written by Mrs. Punk Rock Cielito which is included in her first published poetry book, #EBIGAN, THE TALES FROM THE WOODS.

MINSAN MAY1,2,3,4…BATA BATUTA ISANG PERANG MUTA!
ang aking itay ay si “Captain Barbell”, CB ang palayaw
nadinig ko kasi sabi ni Inay, bilis! Cash Bigay aayaw?
ang bilis talaga ng kanang kamay ni Itay at sabay abot, “Wow!”
hahawak sa medalyon at gustong sumigaw at may kulang, “Pow!”
eh wala kayo sa tatay kong masipag na si “Captain America”
siya ang kapitan ng aming barangay at ang misyon nga pala
kung magtalumpati’y parang si Obama’t dami siyang kasangga
umiilag sa maruming damit at gamit ay shield ooops, maglalaba!
splash! dilis ang inyong mga tatay sa aking Papa na si “Aquaman”
naikuwento ni Mama’t dati rati siya’y hari ng Kolehiyo Karagatan
sumisisid at kinikilatis ang mga babaeng isda’t hindi matatagalan
may pamalo ng dalag. mukhang hito’t kasing lapad ng pawikan
naku! mga syopot naman tatay nyo sa tatay kong si “Spiderman“
palundag-lundag at bilang niya lahat ng poste sa aming bayan
paakyat-akyat at ang mga gagamba’t ibon ay kanyang kaibigan
hindi siya nakukuryente kahit ang kawad ay kanyang hawakan
si daddy ko naman ay “Batman” at malakas ang dark appeal
si mommy ay si “Cat Woman” at lagi siyang sinusundan, it’s real
nahuli si daddy sa kanyang bat cave sa Pasig o “Resort Hill”
Great Scott Robin! sibat! vroom! gamit ang kanyang “Batmobile“
blah! bulati ang inyong mga tatay sa aking tatang “Superman”
ang buhok sa noo ay letrang “S” at si tatang ko’y kinatatakutan
sa aming lugar sa Capiz ay lumilipad ng mataas at inaabangan
siya’y may hipnotismo at x-ray vision daig pa ang ultrasound
kayabangan! ang erpat ko ay si “Incredible Hulk” at sobrang macho
kaya kang buhatin at nangangalit ang kanyang muscles sa braso
umbag dito’t umbag doon ang inaabot ng mga tambay sa kanto
kasing taas lang siya ni Rizal pero ang lakas niya’y todo-todo
ang lahat ng ama sa mata ng isang bata’y sikat na super hero
wala man silang super powers ay lab na lab at nag-uuwi ng suweldo
may simpatiko, kalbo, duwag sa injection, kuripot man, kenkoy o strikto
“it’s a bird, it’s a plane, it’s our man!” Happy Father’s Day sa inyo!


Plus Disco dancing from Dj Ricky Cando. Please subscribe to his YouTube channel.
That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin! Maraming, maraming salamat po.