
nakatayo nga akong muli dito sa may tulay
nakatitig sa dati O bakit kaya sadyang walang kulay
walang tubig ngunit malalim naman ang hukay
bakas ang pinagdaanan ng tubig at umapaw pati sa tulay
dati-rati dito ako madalas nagpapalipas ng oras
kapag pakiramdam ko’y kinakapos ako ng lakas
humihinga ako ng malalim at sa mga tao’y umiiwas
gusto ko kasing mapag-isa’t sa kahoy ay humahampas
ako’y nangibang bayan lamang ngunit patuloy pa rin
paggising ko sa umaga’y lagi kang nagpapaalala sa akin
nagsilbi kang inspirasyon sa aking mga hangarin
sana’y makapiling kang muli gaya ng iyong bilin
bagama’t milya-milya ang ating layo sa isa’tisa
hindi rin ako nawalan ng kahit katiting na pag-asa
sa araw-araw ay kausap ka’t pareho tayong masaya
subalit dumating ang sandaling bumibigat ang ating dala
nasaktan ako ng labis sa iyong nabigong mga pangako
lagi kitang hinihintay at talagang ako’y nasasabik sa iyo
madali kang bumigay at nakinig ka sa payo ng ibang tao
ako’y hindi naman nagbago’t ako sana’y pinakinggan mo
saan nga ba tayo nagkulang o ako ba’y sadyang nagkamali
tinapos ko nga ang ating relasyon O ako yata’y nagmadali
sa bandang huli’y labis talaga ang aking pagsisisi
ngunit lumayo ka na’t hindi mo na ako binalikan muli
ang tulay na ito ang tangi kong naging saksi
sa ating pagmamahalan ng walang pasubali
dito ako’y nagtatalon sa tuwa’t nag-iiyak pati
ito’y naging aking matalik na kaibigang pipi
nagbabalik sa aking ala-ala ang bawat sandali
ang aking nakaraan at isang tunay na pangyayari
sa aking pakikinig ng awiting ito’t ako’y nabighani
napatingin ako sa ulap O parang may kumurot pati
sige na’t ipipikit kong muli ang aking mga mata
umihip ang hangin at tinangay muli ang iyong mukha
nang dumilat akong muli sa ulap ika’y naglaho na
lumiwanag muli’t ang araw ay nagbigay init at sigla
Written by Mrs. Punk Rock Cielito. This is included in her #EBIGAN BOOK.
Illustrated by Jericatures


ABALA: Ang kwentong ito ay hinango sa tunay na buhay at sinalaysay sa may-akda. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni Mrs. Punk Rock Cielito at ng Pilya Blog Magazine.
WHAT MAKES THE COUPLES TICK? It’s LOVE, always! Here are 3 “Power Couples” in Germany.

“We are a team.” says Mr. Heinz Jürgen and Mrs. Bellie Kirschner, retired Owners of Kirschner Reisen. After 31 years, Kirschner Reisen is a successful travel agency in Germany and famous for giving away free round-trip tickets to the Philippines.

“If the best time to plant a tree was 20 years ago, now is the next best.” says Dr. Walter and Josephine Espiritu-Zettl, Owners of Galerie Edition Camos in Munich. It was on October 2010 when they opened the gallery and participated in more than 100 exhibitions already. Please visit their website, http://www.edcamos.de.

“To be creative means to be in love with life.” Lothar and Thelma Alberts are married for 39 years now. Thelma Alberts is a Pilya blogger and writer. Lothar Alberts is a Weseler artist who likes women and landscapes as his subjects in (acrylic paint or oil) painting.



VALENTINE’S DIA FEBRUARY 2021 with Dia Matthes-Srinorakoot as COVER GIRL is NOW AVAILABLE. Photography by Marc Driesen. LAB YA ALL GUYS! That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. Maraming salamat po.

Happy Valentine’s Day, folks!

Call soon ,,thanks
Professor Pam Isla Paz Borja Pasion, Juris Doctor – LawCollege of Social Work and Community DevelopmentSocial Work and The LawUniversity of Philippines Email : pam.pasion@yahoo.comMobile No. Watsapp and Viber Registered# + 63995 7298113
LikeLike