Happy International Women’s Day 2021

Happy International Women’s Day!

Illustrated by Jericatures

I Am Darna

Eba! isa kang nilalang ng Diyos at bukod na pinagpala
ginawa ka Niyang katuwang ni Adan ngunit sa huli’y nagkasala
sa iyong pagsisilang ng bagong buhay ay isa nga bang sumpa
ang kasabiha’y isang paa’y nasa hukay habang nagluluwal ng bata

kaya natin ang madugong sitwasyon kahit ang sakit ay pinakamatindi
walang patid ang pagdaloy ng luha’t kagat-­kagat ng madiin ang labi
pabalik-­balik ka dati sa Baclaran Quiapo at Obando O ito nga’y nangyari
isang malaking himala’t biyaya ng langit ang kanyang pangalan ay Blue Ivy

ang may pinakamabigat na pagsubok Ai-­Ai at halos inuubos ang ating oras
ang isang tanging ina’y namimili’t nagluluto naglalaba’t naglilinis ng baba’t taas
pinapanatiling maayos at mabango ang mga anak at kinikilatis pati ang medyas
hindi ka man si Dyesebel ngunit ang bahay ay dapat kumikinang parang perlas

kung minsan ang pagiging kabiyak ng iyong asawa’y napapabayaan
siya rin naman kasi’y laging nandiyan dumating man o ikaw ay lumisan
ang pagmamahalan nga ba’y minsan naiisantabi’t lalo’t kulang sa kadatungan
maggugol ng oras para sa inyong dalawa habang may tamis pa ang lambingan

ang ating trabaho’y sukatan ng ating kakayahan Oprah na makapamuno
ang ating mga salita’t gawa’y magbibigay ng isang magandang ehemplo
si Ellen DG ba’y iyong idolo o nag-­iisa kang dalandan sa kahon ng tsiko
sa anumang labanan ay patas di ba Kris at may puso’t utak na pinaghahalo

ang babae ay may mababang luha kaya’t mas madaming mga bida
sa pelikula tayo’y may libu-­libong ekspresyon ng ating galaw at mukha
nakisigaw tayo kay Sister Stella L at nakisimpatiya kay Atsay Nora
sa larangan din ng pag­-awit parang di ko yata kaya ang kamay ala Jessa

ang babae’y sadyang matiisin O ilan na nga bang may mga rebulto sa Luneta
bulag nga raw sa pag­-ibig at kung minsan ay nagkukulay asul at itim ang mata
matinding magmahal sa kaliwa’t kanan na umbag ay adik O Claudine totoo nga ba
ang sakit ng katawan ay hinahanap-­hanap at mayroon lunas kung gustong makakita

tayo ay instrumento sa pagkamalikhain katulad ng larawan ni Mona Lisa
ang kanyang ngiti ang ating pisngi’t mga mata’y pawang obra maestra
ang ating hubad na katawan sa anumang hubog ay pinapantansya
tayo ay isang atraksyon sa sining ng pagpipinta o potograpiya

ang pagiging atraksyon kung minsan ay naaabuso’t AIDS ang sinapit nila
sina Dolzura Cortez at Sarah Jane Salazar ay mga unang biktima
hindi dapat husgahan ang mga kalapating mababa ang lipad sa Maynila
lakas ng loob at sa kagustuhang mabuhay lamang ang naging puhunan nila

what is the essence of a woman ang sagot ni Sushmita’y ang pinakamaganda
ang sagot naman ni Gloria Diaz tungkol sa lumapag na astronaut ay pinakakwela
ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa ay kinokoronahan bilang reyna
iba’t­-ibang paligsahan ng katalinuhan at kakayahan ang babae’y nagngunguna

bilang isang Pilipina ang ating kagandahan ay simple’t sa dayuhan ay kahali-­halina
ipinagmamalaki ang ating kayumangging kulay at exotic na dating at hitsura
ang kababaan ng loob o pagiging madasalin at malinis sa pangangatawan ay kaaya-­aya
hindi matatawaran ang ating animalistic appeal ala Tetchie Agbayani O di ba

ang pagiging babae ay lalong nasusubok ang katapangan ng loob sa ibang bansa
ang makisalamuha’t makibagay sa iba’t­ibang lahi Korina ay hindi naman
basta-­basta
mas makikilala mo ang iyong sarili bilang isang Defensor Santiago kapag may
problema
hindi ka paaapi’t harangan ka man ng sibat Gabriela ikaw ay magpapatuloy sa tama

hindi na natin kailangan ang bato para lumipad ang lahat ay abot­-kaya
ang talas ng ating pakiramdam at papunta pa lang siya’y naaamoy mo na
kakaiba yata ang kanyang kinikilos at sinasabi kaysa sa aking kutob at kaba
woman’s intuition ang ating lihim na kapangyarihan at ang kalaban ay di uubra
lipad Darna, lipad!

by Mrs. Punk Rock Cielito

This blog is published in her #EBIGAN BOOK.

Illustrated by Jericatures

PILYA BLOG Magazine’s PODCAST IS NOW AVAILABLE ON 6 PLATFORMS!!! Now is the time TO LISTEN without missing home.

Spotify: https://open.spotify.com/show/0ZjaRlyllQqiQjaTwAtV3q

Anchor: https://anchor.fm/pilyablogmagazine

Breaker: https://www.breaker.audio/pilya-blog-magazine

Google Podcasts: https://www.google.com/podcasts?feed=aHR0cHM6Ly9hbmNob3IuZm0vcy80ZTMzMWUyNC9wb2RjYXN0L3Jzcw==

Pocket Casts: https://pca.st/nbljnyxe

RadioPublic: https://radiopublic.com/pilya-blog-magazine-8XbBqn

Pilya Blog Magazine celebrates International Women’s Day 2021 with PILYA BLOG COVER CHALLENGE 2021, SPRING IN GERMANY BY THELMA ALBERTSTIPS FOR HAIRCUT BY ANA S. OUR STYLIST and MONEY TALKS WITH PILYA BLOG’S TOP 6. Cover Girls Category: Leadership and Service Photography by Ces Seidel

WOMEN BE AMBITIOUS December 2017. Cover Girl: Vangie Rebot Jorquia from Sweden

“14344 5254 is…VALENTINE’S DAY 2019 ISSUE. Cover Girl: Corazon Lembke from Hamburg

CHRISTMAS SPECIAL 2018. Cover Girl: Karen Pohlmann from Horn-Bad Meinberg

DO ALL THINGS WITH LOVE February 2018. Cover Girl: Janice Hofmann from Augsburg

Ms. Janice Hofmann is the Coordinator of the Philippine Cultural Group Bayern (PCGB) in Augsburg. Pilya Blog Magazines creates their SUBENIR, Pilya Blog Magazine Special Edition for their Annual PCGB Valentine’s Party and their Search for “Mrs. PCGB Valentines and Mrs. PCGB Charity” from 2019 to 2020. Thanks a lot, Ms. Janice and PCGB.

FRIENDS FROM ABTEI MARIA FRIEDEN

THE STO. NIÑO GROUP SPEICHERSDORF
Sacred Heart Dt-Phil Christliche Gemeinschaft Aschaffenburg-Untermain e. V
The Sto. Niño Group Rottenburg-Stuttgart Germany

CHILDREN OF MARY WITH SISTERS LOVE GROUP AUGSBURG
MOMMY LUZ AND ANGELS FROM STUTTGART
GRUPONG PILIPINO SA ALEMANYA (GPA) FROM BAYERN
GALANG PINAYS FROM SANTACRUZAN IN ELTMANN
PHILIPPINE CULTURE CLUB e.V. NÜRNBERG
ASIAN-GERMAN ASSOCIATION FROM BAYERN
Ces Seidel, ak.a. Mrs. Punk Rock Cielito and Publisher of Pilya Blog Magazine

“Spring Bles-sings” is the theme of Pilya Blog Magazine’s April 2021 with Bles-Chavez Bernstein as Cover Girl. That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE Now! Maraming salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.