
BELIEVE IN COMMITMENT AND TOGETHERNESS WITH P2G-VISA
Mabuhay! Tuloy po kayo!
Kami ang “PHILIPPINES 2 GERMANY, P2G VISA” at handang maglingkod sa inyo at mag-alay ng aming serbisyong tapat at totoo. Kayo ay aming ihahanda sa inyong paglalakbay sa Alemanya para sa Schengen Visa upang makasama ang inyong pamilya o mahal sa buhay o di kaya’y upang makasal sa Denmark.
Kami ay nagagalak sa inyong interes na subukan ang aming serbisyo at kakayahan. Marapat lamang na makipag-ugnayan kayo sa amin kung ang ibig nyo ay serbisyong diretso at walang paligoy-ligoy. Makipag-ugnayan lamang sa amin at sasagutin namin kayo agad.
Ang aming serbisyo ay abot-kaya ang halaga at katumbas nito ay walang pag-aalinlangan sa pag-aayos ng mga papeles at iba pang pangangailangan sa inyong paglalakbay. Maraming salamat sa inyong tiwala at makakaasa kayo na hindi namin kayo pababayaan sa oras ng inyong pangangailangan sa umpisa ng inyong pagproproseso. Manatili tayong positibo at sana ay makatulong kami ng lubos sa inyong layunin o pangarap.

Ito Ang Aming Kuwento
Ang “P2G-Visa” ay aming itinaguyod noong Nobyembre 2023. Ito ay bunga ng aming hindi kaaya-ayang karanasan sa isang ahensya para sa “Schengen Visa” dito sa Alemanya.
Ang inyong lingkod, Jenelyn at Sascha Böhnlein. Kami ay nagkakilala sa isang “dating platform” para sa mga Pilipino. Kami ay nagkakilala ng mabuti at nagkaigihan. At sa madalas naming pag-uusap, kami ay nagkasundo na magpakasal sa hinaharap. Bumisita si Sascha sa Pilipinas at magkasama rin kami ng tatlong buwan sa Alemanya.
Kami ay nagpakasal sa Denmark ngunit hindi naging madali para sa amin ang lahat. Kami ay nahirapan sa pag-aayos ng aming “Schengen Visa” para sa Alemanya at Denmark. Napagpasyahan namin na lumapit sa isang ahensya sa Alemanya. Ngunit marami kaming pinagdaanang suliranin sa proseso. Bukod sa may kamahalan na ay hindi kami nasiyahan sa kanilang magulong serbisyo. Ang aming naging masamang karanasan sa katulad nilang ahensya ang nagbigay ng inspirasyon sa amin na magtayo ng sariling ahensya at hindi nila katulad.
Magtanong sa “P2G-Visa” para sa inyong buhay at kapalaran!
Book Your Appointment Today!
Website: https://p2g-visa.de/
Facebook: P2GVisa
WhatsApp: 0049 15140701457
Email: info@p2g-visa.de
YouTube: P2G-Visa
That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE NOW. Maraming salamat po.
