KULAMBO CURLS
SINGLE man o DOUBLE ay hinding-hindi matatawaran ang kanilang pagmamahalan
sa unang pagkikita pa lamang at hanggang sila ni Singh ay naghabulan
ang unang haplos at umaatikabong yakapan at nagkabuhul-buhol ang lambingan
magmula ulo’t hanggang paa’t sila’y magkatabi’t magkaulayaw magdamagan
malambot ang kanyang hipo’t bagama’t ang ilan ay may kagaspangan
kakaiba siya’t iba’t-ibang kulay ang dala niyang panaginip sa iyong unan
ang humuhuni’t kumakagat ay dumadapo’t inililigtas ka sa kapahamakan
apat ang kanyang tainga’t yumuyuko sa kanya ang mga dumadaan
ewan mo nga ba’t sa piling niya’y ikaw ay maaaring makapagmalaki
butas-butas man pati na rin ang iyong medyas at salawal ay may kumpiyansa ka sa sarili
amoy bagong paligo’t para kang ensaymada sa asukal at nagmumura ang pulbos kasi
bilis! at tayo ng mamaluktot sa kumot o naghihintay ng halik gaya ni “Sleeping Beauty”
Zzzz…ZZzzz
by Mrs. Punk Rock Cielito #EBIGAN BOOK

Every Juan Can Vlog
Hindi natin maipagkakaila na karamihan sa mga tao ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ay mayroon ng social media account.
Sa pamamagitan kasi ng social media ay mas napadali na ang pakikipag communicate natin sa isa’t-isa.
Pangalawa sa pinakamalaking social media platform sa buong mundo ay ang YouTube na mayroon ng mahigit 2 billion users worldwide.
Ang YouTube ay isang online video-sharing platform na kung saan ay maaari kang mag-upload ng sarili mong video o manood ng video na ina-upload naman ng ibang tao.
Ang kagandahan pa ay maaari mo rin itong pagkakitaan kapag naging part ka na ng YPP (YouTube Partner Program)
Ang tawag sa mga users na nag-a-upload din ng video sa YouTube ay mga content creators or mas kilala sa tawag na YouTuber o Vlogger.
Dito sa Pilipinas ay napakarami na rin na mga vloggers ang nagsulputan. Merong mga ordinaryong tao at siyempre pati na rin mga artista.
At iilan sa kanila ay talaga namang kumikita na ng malaki buwan-buwan mula sa kanilang mga YouTube channel.
Ngayon ang tanong, sinu-sino lang ba ang maaring gumawa ng kanilang sariling YouTube channel?
(Basahin ang title para malaman ang sagot.)
Pero ngayon pa lang aaminin ko na sa inyo, oo madali lang gumawa ng YouTube channel pero napakahirap magpalaki nito.
Ang ibig kong sabihin ay hindi basta-basta ang pagpaparami ng iyong subscribers.
Kailangan mo ng napakahabang pasensiya.
Kailangan mo pag-aralan kung paano ba gumagana ang algorithm ni YouTube kung gusto mong lumaki ang channel mo.
At higit sa lahat ay kailangan maging consistent ka sa pag-a-upload ng video sa channel mo.
Consistency is KING on YouTube
Tandaan mo “Consistency Is King On YouTube”.
Kailangan iparamdam mo kay YouTube na isa kang active na content creator, sa ganung paraan ay mas papaburan ni YouTube ang channel mo.
Ibig sabihin ay mas isa-suggest niya yung mga videos mo kapag naramdaman niya na palagi kang nag-a-upload ng video sa channel mo.
Mas maraming viewers, mas maraming subscribers.
Based on my own experience, inabot ako ng almost 8 years bago lumago ang channel ko.
Bakit? Kasi hindi ako naging active sa pag-uupload ng mga videos sa channel ko.
Pero noong nakaraang taon (2020) ay sineryoso ko na ang pag ba-vlog.
Pinag-aralan kong mabuti kung paano ko pa mas mapapalaki ang YouTube channel ko.
Moving forward….
Sa ngayon ay meron na akong more than 18K subscribers.
Kumikita narin ako sa aking YouTube channel.
Hindi pa man ganun kalaki pero I’m sure pag dating ng araw ay magbubunga din ang lahat ng pinaghirapan ko.
Hirap sa pag shoot ng video, hirap sa pag-edit at hirap sa pag upload. Hirap sa pag-upload?
Yes hirap sa pag-upload!
Kung inaakala mo na ganun-ganun lang ang pag-upload ng video ay nagkakamali ka.
Kailangan mong matutunan ang tamang paraan ng pag-upload ng video sa YouTube kung gusto mong magtagal ang mga videos mo.
Magtagal, ibig sabihin ay yung kahit ilang taon pa ang lumipas ay masi-search pa rin at mapapanood ang mga videos mo.
Yan kadalasan ang nakakaligtaan ng mga vloggers especially dito sa Pilipinas. Ang tamang pag-upload ng video.
Tamang Paraan Ng Pag-Upload ng Video sa Youtube
Para sakin ito dapat ang talagang pagtuunan ng pansin kung balak mong magtagal ang mga videos mo at magkaroon ng maraming views.
Bibigyan kita ng ilang Tips sa tamang pag upload.
Una, dapat ay mayroong “Keyword” sa title mo, sa description at tags tuwing nag a-upload ka.
Keyword, ito yung pinaka topic ng video mo.
Pangalawa, dapat ay eye-catching at attention grabber ang thumbnail mo.
Ibig sabihin yung tipong mapapansin agad ng sinumang makakita ng thumbnail mo sa YouTube.
Pangatlo, huwag mo rin kalimutan ilagay sa playlist ang bawat video mo. Ito ang magsisilbing category ng bawat video mo.
Isang paraan ito para hindi na mahirapan maghanap ng videos mo ang visitor ng channel mo.
Halimbawa may video ka tungkol sa tutorials, pwede mo itong ilagay sa isang playlist at kung may mga videos ka naman about product reviews for example ay pwede mo rin itong ilagay sa isa pang playlist.
Sa ganong paraan ay alam na ng manonood ng videos mo kung saan hahanapin ang video na gusto nilang panoorin.
Iilan lamang yan sa mga tamang paraan ng pag-uupload…
Para sa iba pang tips ay bisitahin lamang ang aking YouTube channel.
Kapag natutunan mo yan ay ito ay napaka rewarding naman at talagang mararamdaman mo ang paglago ng channel mo.
Paano naman i-promote ang iyong mga videos?
Napakaraming paraan para makakalap agad ng maraming views ang videos mo.
Ako personally after ko ma-upload sa channel ko ang video ko ay sini-share ko agad ito sa iba ko pang social media accounts kagaya ng facebook, twitter, at instagram.
Maaari ka ring makipab collab (collaboration) sa ibang vloggers o kaya naman ay mag-interview ka ng ibang vloggers na may kapareho mong niche/topic.
Maaari ka ring mag pa-contest or give away kung saan kailangan muna nilang mag subscribe sa channel mo para makasali sa pa contest or pa give away mo.
Balak mo na bang magsimula?
Ngayon kung nagbabalak ka na rin na gumawa ng YouTube channel mo, I suggest na huwag mo na itong patagalin pa!
Ngayon na ang tamang oras!
Kung ano ang mga content na i-a-upload mo ay nakadepende sa’yo ito. Ano bang passion mo?
Saan ka ba magaling?
Ano ba sa tingin mo ang mga bagay na alam mo na maari mong ibahagi sa iba?
Iilan lamang yan sa mga basehan kung anong klase ng mga content ang i-a-upload mo sa channel mo.
Pero tip lang….
I suggest na mag focus ka lang muna sa iisang topic…
Sa ganung paraan kasi ay mas madali kang maaalala ng mga viewers mo.
For example, ang topic mo is about “Weight loss” at ,may nakapanood ng video mo.
So next time na maghahanap siya ng mga tips kung paano magbawas ng timbang ay ang channel mo agad ang maalala niya. Di ba?
For sure pagbalik niya sa channel mo ay magiging subscriber mo na siya.
So yun lang para sa ngayon, salamat sa pagbabasa at dahil diyan ay mayroon akong FREE Gift para sa’yo.
Meron akong ginawang eBook na ang Title ay “Vlogging Secrets”.
Tamang-tama ito sa’yo kung nagbabalak ka na rin gumawa ng sarili mong Youtube channel.
I-click lamang ang link sa ibaba para madownload ito.
https://kelvinclintquinto.com/VloggingSecrets
Maraming Salamat!

Kelvin Clint Quinto
Kelvin Clint Quinto is a vlogger and online entrepreneur. With more than 8 years of experience being an online entrepreneur, Kelvin is now sharing his knowledge to his Kababayans on topics like making money online and vlogging.
http://www.kelvinclintquinto.com
“SPRING BLES-SINGS” April 2021 is coming soon with Bles Chavez-Bernstein as Cover Girl, PILYA BLOG COVER CHALLENGE 2021.
“LOADS OF BANANAS”, a blog about Pinoy Jeepneys is included in “Spring Bles-sings” April 2021. Written by Mrs. Punk Rock Cielito. Illustration by Jericatures. Abangan!

That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE Now! Maraming salamat po.