CLOSER “PEE-YEW” AND I: A VALENTINE’S BLOG BY MRS.PUNK ROCK CIELITO

CLOSER “PEE-YEW” AND I

Oh wisdom tooth, bakit kaya parang mahirap,

nakaupo ka naman, hands on your lap,

atubili kang hindi mawari’t teka may tiwa ka ba sa puwit?

relaks, basta dyan ka lang sa kip kam na tabi.

di na mapakali, hands clasped together,

nilapat ang hintuturo sa iyong ilong, ssshhh…

ano ba kasi dapat mong isipin, “thinkin’ out loud” aber,

pusu-pusuan…pumipintig at nagdurugo itong klinik sa kulay pula

pasipol-sipol “hot legs” at tinaas naman ang iyong ulo,

tumingin sa kisame, “hey, Spidey, ayos ka lang ba?”

sumandal sa pader at ikaw ay kumuyakoy,

bago ang iyong sapatos “Adidas”, ang katas ng pagtitipid at puyat

nakakauhaw, parang gusto mo ng cranberry flavored tubig,

mamaya na lang, hinaplos mo ang iyong manipis na bigote

palad mo’y inamoy-amoy, lalo kang naligalig,

dapat siguro, hindi dapat, pero ikaw kasi ay….

kumain ng bawang con sinangag at tuyo sa agahan!

di ka na nakapagsipilyo at ikaw ay mapag-iiwanan,

teka parang pamilyar ang kanyang hitsura’t may halong kaba

OMG! humanda ka ngayon, Spotless at ikaw ay matutunaw,

parang sorbetes na bilad sa ilalim ng Valentine’s Araw.

sapagkat huli na ng iyong makita ang pangalan ng dentista,

aruykupo! “Pee-Yew” ang bansag mo’t pinaiiyak noong elementarya

sya ba iyong matabang madaldal at mapula ang pisngi

pinagtatawanan  ang aking peklat sa ulo e sya naman ay bungi

pero bahala na at precious ngipin mo’y sumasakit na,

bibig mo’y amoy tuyo pa’t kasama yan sa trabaho nya at umismid ka pa

nakupo! niligawan mo rin pala ito ng pabiro’t nung HS at ang pusta’y tokwa’t lugaw

aba’y kasalanan ko bang umoo kaagad sya’t kinabukasan ako’y nagpatay-patayan

nang magkita kaming muli’y may pumatid sa akin at namaga ang aking nguso sa lamayan   

“Sir, kayo na po”, ayan it’s your turn..”duwag!” at ipakita mo ang iyong gilas,

“hoy! pinsan namin ito!”  ako yata ang isusunod at nasaan na ba ang fire exit ng Loyola

sa lagay, naghintay ka ng matagal, magmakaawa ka na’t harapin mo na ang lunas,

“Happy Valentine’s Doc!” panay ang praktis mo’t habang naglalakad at feeling “death march” patungo sa kanyang opis

kaliskis lang yan, kung meron syang amnesia’y siguradong ikaw ay ngingiting muli, Spotless Ungas!

by MRS. PUNK ROCK CIELITO’S #EBIGAN BOOK

Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito

Happy Valentine’s Day to all! I hope your day is full of love! Thank you for your continuous support and patronage of Pilya Blog Magazine. “CAN’T SMILE WITHOUT YOU” VALENTINE’S DAY FEBRUARY 2022 with Dr. Lotis Uy-Sola of Sola Dental Clinic Davao City as Cover Girl is now available! That’s really Pilyamazing! Maraming salamat po.

“Oh! Darling” -The Beatles (Cover) by Hazel. Hazel is an entertainer from Kirn, Germany.

Happy Valentine’s Day from Hazel! Hazel is wearing GABRIELA” DROP EARRINGS (PILYA SET), a SHINETH JEWELRY COLLECTIONS designed by Molina Ohlsson and canvas painting by Helen Svendgaard.


Thank you very much to our Sponsors.

That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE NOW! Maraming salamat po.

Leave a Reply