HAPPY HALLOWEEN 2020

BALIKTARIN MO MAN ANG MUNDO

hindi maaaring hindi ako dito magtutungo’t sisilip

sumisikat man ang araw o ang panahon ay masungit

nagpapatay nga lang ba ako ng oras o ibig ko lang makapag-isip

magbabalik nang kaunti sa pagkabata’t kanya-kanya tayo ng trip

sa panaginip ko’y nagkasalubong kaming muli ni Jap lola

ang sabi niya’y “hindi lang ikaw ang nakakausap ko’t mayroon pang iba”

sa kanyang sala’y may isang lalaking edad 20’s at may bigote’t nakapamburol yata

kinikilig si Jap lola habang kausap si lalaki’t may litrato silang dalawa-noong araw pa

dito at dito ko lang talaga nilapag ang aking singsing at biglang nawala

labis ang kanyang himutok at ang singsing ay ala-ala ng kanyang yumaong ina

labas-pasok kasi ang ibang tao’t sa silid na iyon at hindi ka rin nag-iisa

“naku! kung alam ko lang!” “sana’y binenta ko na lang” “sumakit sana ang kanyang tiyan!”

ang hanap natin ay butas upang tayo’y makarating doon sa “Hinulugang Taktak”

subalit pagkabukas ng pinto’y kadiliman ang bungad at ikaw ay nagtatatalak

nilagpasan mo ang bantay at inusap ang iyong mga nasalubong na lumalakad

“dagdagan natin ang iyong hinanakit” at “pababaunan ka namin ng lungad”

sa kaila-ilaliman ng lupa’y basa’t may putik at nagbabagang apoy o bato

bukod pa riyan ang masangsang na amoy at buto’t kalansay ng kung anu-ano’t sinu-sino

halimbawa’y ipatong natin sa ating ulo sandali ang isa sa mga naging “halimbawa” ko

“masisikmura mo ba” “mayayakap mo pa ba si Jap lola” at tiyak ito lang ang masasabi mo

ARH-WOOOOOOOOOOOOOOOO!

“Baliktarin Mo Man ang Mundo” is written by Mrs. Punk Rock Cielito

Photography by Maria Ces Seidel

Happy Halloween, folks!

SUBENIR A PILYA BLOG MAGAZINE SPECIAL EDITION. Make your birthdays, anniversaries, weddings and social events worth remembering. It serves as your SOUVENIR for your themed birthday parties or any personal, business, social events and community events.

Subscribe Now!

PILYA BLOG MAGAZINE ONE YR. SUBSCRIPTION 2020-2021

Subscription for 1 year (2020-2021), 6 issues. Including shipping costs within Germany.

35.00 €

Categories: LIFESTYLE

Tagged as: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.