SUBENIR

This slideshow requires JavaScript.

SUBENIR Make your birthdays, anniversaries, weddings and social events worth remembering! We offer free consultation. Please contact Maria Ces Seidel, the Publisher. Office: +49 (0) 95525840476 Mobile (WhatsApp): +49 (0) 17623679422. Maraming, maraming salamat po.

WALTEREDITORIAL
EDITORIAL for WALTER’S 70th BIRTHDAY SOUVENIR BOOK WITH BLUE SEA MOTIF. 

si Ateng at Ditse’y nagpapaligsahan sa pangongolekta

paramihan sila ng tipar na pinupuntahan at sila’y feeling bida

binyagan o kaarawan o kasalan o anibersaryo man at sila’y nangunguna

abot kayang mga pigurin o lapis o abaniko o maging bimpo’y inaarbor pa

nabasag na nga ang pigurin at pinambato na ni inay kay itay o vice versa

naupod na nga ang lapis din at ito’y gamit mo sa pagpirma kay Bumbay o hindi ba?

ang abaniko’y pinang regalo ni bunso sa kanyang titser upang siya’y makapasa

at ang bimpo’y naitapon na’t nailampaso ito sa sahig ng ulyanin mong lola

ngunit si Ditse’y mayroon isang subenir na iniingatan at pinagkakatago-tago

isang magasin at nandoon kasi ang litrato ng lalaking nakatable niya sa tipar ni Frudo

nandoon rin ang litson at ang babaeng nakatapak ng balat ng saging at nakitaan ng ano?

kahit walang wi-fi ay abeylabol ito sa kahit anong oras at araw sa iyong paningin at hipo

matalo ka man o manalo…

isipin mo ang hari o reyna na iuupo sa trono…

hindi ka magsasawa sa kanya’t pagmumukha mo…

makailang beses mo man buklatin ay hindi ito magbabago…

ito’y kakaiba’t gawa rin ng isang Pilya na katulad mo…

Maraming, maraming salamat po! Vielen Dank!