PILYA BLOG (Biruan. Lambingan. Okrayan. Gimikan) MAGAZINE joins the 1st “Ube Fiesta in Germany” on June 4, 2022 in Sankt Agustin, NRW. That’s really Pilyamazing! Congratulations to all! Maraming salamat po. Videos, Photography and Written by Ces Seidel.

ANG UBE. “Ooh-beh” kung normal na bigkasin at “ooh-bae” kung may lambing. Unang-una, ang blog na ito ay aking sinulat para ipakita sa madla ang pagdiriwang ng mga Pilipino sa kauna-unahang “Ube Fiesta” sa Alemanya. Ikalawa, para bigyan ng pagpapahalaga ang Ube, bilang kauna-unahan at mayamang produkto ng probinsya ng Bohol. At ang ikatlo, ang blog na ito’y sinulat ayon sa aking karanasan at walang kinalaman sa iyong personal na adhikain at kuru-kuro, maging pulitika man o relihiyon at kalusugan,-busog man o gutom. Positive vibes only.

ANPORGETABOL. Sino’ng hindi makakalimot sa matamis na Ube-Macapuno Cake? Ito’y laging bitbit ng torpeng binata at aakyat ng ligaw sa pakipot na dalaga at pang suhol kay Nanay, bunso at lola? Sinadya ko itong isulat sa Filipino upang maramdaman nating lahat ang kakaibang “init” na dulot ng ube gaya ng pagtagaktak ng iyong pawis sa paghahalo ng halayang ube o di kaya’y halos hindi na maipinta ang iyong mukha at matagal ka ng nakapila sa “Special Halo-halo”, magmula Recto hanggang Avenida. Umpisahan na natin ang ating makulay na selebrasyon.

Maraming salamat kay Ginang Dorie Reyes Polo para sa kanyang orihinal na tula, ” Ang Ube”. Ito’y kanyang sinulat at eklusibo lamang para sa Pilya Blog Magazine. Ang aming malugod na pagbati para sa iyong bagong aklat, “Tala at Tula”.



THE SACRED MASS. Did you know that Ube is sacred in Bohol? The Boholanos considered Ube as a “Gift from God” because it saved them from hunger during the Pre-Hispanic era. “Pag ako ang tinanggihan mo, para ka na din nagtampo sa Ube” ang sabi nga ng iyong manliligaw na si Tarsier.











THE PURPLE PARADE. Ang luntiang parada ay pinangungunahan ng grupo ng Philippine Consulate General in Frankfurt at ng mga tsikiting at naggagandahang dalaga at dalana. Sila’y nakasuot ng pang Sagala at lumalakad ng dahan-dahan. Naalala ko tuloy ang tindera ng sorbetes habang nilalapit sa akin ang apa. Nanlaki ang aking mga mata at TL ako sa iyo, UBE-KESO, talagang-talaga!
PERS MITING. PERS UBE LAB. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala din namin ang ating kagalang-galang na Consular General Marie Yvette L. Banzon-Abalos ng Consulate General of the Phil. Frankfurt. Maraming, maraming salamat po sa inyong suporta at pagtangkilik ng aming kaguluhan. Ito po lamang ay umpisa ng ating maligalig na pagsasama-sama at huwag po sana kayong madadala at ang iba ay nahihiya pa.




THAT UBE TINKLING MOMENT. Ang “tinkling” ay sound effects ng bell na ginagamit ng Mamang Sorbetero para magtawag ng mga batang may dalang barya. Sa Ube Fiesta, nagtawag din ng mga bata at matanda para umindak ng pagkasaya-saya. Hala bira!


















UBE-MAZING BUSINESS. Dinagsa ng maraming tao nagmula sa iba’t-ibang lugar ng Alemanya at Europa ang Ube Fiesta. Samu’t-saring pagkain, inumin o kakanin na gawa o ang sangkap ay Ube ang aming nasaksihan dito. Ipinamalas din ng mga Pilipino ang kanilang kasabikan sa Ube bilang panghimagas at iba pang pagkain at maaga pa lamang ay malinis na ang mga bakas ng lumipas. Ganunpaman, isaalang-alang natin na ito ay umpisa pa lamang at maaaring sa susunod ay mas higit pa ang ating matitikman na mga pagkain lalo na kung aagahan nyo ang pagpunta at masasaksihan nyo ang programa sa umaga. Nagpapaalala po lamang.

HALO-HALO FOREVER. Sa panahon ng tag-init at usung-uso, Halo-halo ang ating paboritong meryenda at halos abeylabol sa bawat kanto. “Special” ang tawag dito kung mayroon langka, ube, macapuno or leche flan sa ibabaw nito. Basahin po lamang ang karatula. “Malaglag ka sa pila.”

ANG KAMANGHA-MANGHANG IMBENSYON. Ang sabi ng tinderang nakapula at nakapusod ang buhok sa ibaba,, ito ay kanyang imbensyon na pagkain at gawa sa Ube para sa kanyang anak. Ipagpaumanhin nyo po lamang at nakalimutan namin ang kanyang pangalan. Pssst, Aleng Tindera, nandyan ka ba?


PINOY PORK B-B-Q. Kapag may usok, may tusok! Care for a tasty street food, folks? Vendors serve street food with gloves, hair caps, aprons and Barong Tagalog. So, it is traditional, safe and clean. The Pamaypay as decor is also eco-friendly. Kakain na!




CAUTION IT IS HOT. We tried this hot Ube milk and can’t wait to try it at Home. This is so easy -just add 2 tbsp of Bunga Ube powder to hot milk then mix well. The result is soothing, comforting and relaxing for me, Vitamin D3.


OBSESSED WITH NATIVE JEWELRY. I fancied a blue necklace at the booth of the European Network of Filipino Diaspora (ENFID)-Germany e.V. I love it! Thank you.


HELLO AGAIN MEGAWORLD INTERNATIONAL GERMANY! With Marissa M. Laubert, Country Manager and friends.

SOME BOOTHS ARE WORTH LOOKING FOR. Friendly faces and always smiling. Good luck and Thank you.






HEY, I’M UBE-R HERE! We’ve spotted our dear friends and clients in Ube Fiesta. It’s a small Ube world after all.

Ces Seidel with Robert and Girlie Baldonado of 4RK Enterprise GmbH from Frankfurt.

Ces Seidel with the Ultimate Party Girl and client, Corrie Weires of ERGO Insurance

Ces Seidel with Manny Saldaña of The Filipino Channel (TFC).


Thank you very much, Mami Rose, YouTube vlogger with friend.









PILYA MOMENTS. Alam nyo naman, hindi matatapos ang blog na ito kung hindi ko kayo mapapangiti o mapapahalakhak ng todo. Bawal ang pikon. Truth or dare. Tsek natin ang temperatura at 24°C. Hindi maipagkakaila ang naging bahagi na ng ating kultura, tag-init man o tag-ulan, ang ating pinakamamahal na payong. Bawal ang makisukob, plis!

Truth or dare. Totoo po na si “Rapunzel” ay isang German fairy tale. Ito ay naunang nailathala noong 1812 ng Brothers Grimm. “Rapunzel, Rapunzel, let down your hair, so that I may climb thy golden stair.” Oh wow! Ang haba talaga ng kanyang hair in person! Mmm, si “Dora, the Explorer” kaya ang katabi nya?


Pasensya na ‘tol, dito sa Germany, di uubra ang iyong motto. Ty.

UBE COMBO SWEETS. “Huwag kang magpahuli, maaaring hindi kita akayin. Huwag kang mauna, maaaring hindi kita sundan. Sabayan mo lang ako at maging kaibigan ko.”
PILYA BLOG (Biruan. Lambingan. Okrayan. Gimikan) MAGAZINE would like to thank CONNIE RAVE, YouTube Vlogger from Stuttgart for this awesome video she created with us for the 1st Ube Fiesta Germany. Together everyone achieves more. Ganyan ang tunay na magkaibigan parang UBE KALAMAY, sticky at sweet. Maraming, maraming salamat, Connie.
UBE FIESTA IN GERMANY/The Philippine Consulate General in Frankfurt by Connie Rave. Subscribe to her YouTube Channel: Connie Rave Channel
Thank you very much too to our Pilya blogger, Thelma Alberts from Wesel. She made a sorbetes made of ube. Check it out! HOW TO MAKE UBE ICE CREAM: TRADITIONAL FILIPINO DESSERT BY THELMA ALBERTS. Subscribe to Thelma Alberts in Delishably. https://delishably.com/world-cuisine/How-to-Make-Ube-Ice-Cream

ACKNOWLEDGMENTS. Ube Fiesta in Germany. Paula Gutierrez Salangsang. Consulate General of the Phil. Frankfurt. To All Filipinos in Germany and Europe
“Ubeeeeeee ang Sigawww!” is included in our August 2022 issue. That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE NOW.
Hello!!! It was a fantastic day, our group the P.A.G Charity e.V enjoyed so much, isang bus kami, kasama din kami sa sayaw ‘mamang sorbetero’ (maraming salamat sa blog, at least yong iba nasama sa mga picture) thanks for sharing, more power to the crew behind the scene❤️👌♥️👍🏻
LikeLike
UBE Festival…..
the very first event I stayed beyond a table where I experienced to be exchanging sales talk and connectiing to engage with a Fililipina Ma. Cielito Cando-Seidel aka Ces. With her 4 Euro choker has left my table to cling on to her neck forever.
ENFiD-Germany……
you brought me here and then!
PILYA Blog……
happy to be connected with you. Thanks to Bles Chavez-Bernstein for giving me a copy of one of your magazine. Andthe second issue, the one you shared.
Thank you for featuring #ENFiD-Germany in this issue.
Signed:
Josephine Vinluan-Loehlein
LikeLike