THINK PINK . October is Breast Cancer Awareness Month. This blog is dedicated to all cancer victims and survivors.

PINK SATIN BANDANA
hoy Elena! huwag kang magpatakbo ng mabilis
kamuntik mo ng mabangga si “Mrs. Tulis”
bago ka pa lamang naming kapitbahay at halika na
naku! sandali’t ako’y lumapit na nga kay Elena
aruy! kaibigan kong magaling daw magpatakbo ng bisikleta
O e bakit ka ngayon nabalabag at nasaan na ang iyong tama
hayan may mga galos ka sa tuhod O teka nga’t pupunasan ko
huwag mo ng galawin at mahapdi iyan halika na’t umuwi na tayo
si Elena’y aking kaibigang matalik at siya’y magaling sa Matematika
siya’y nangunguna lagi sa aming paaralan kahit noong kami’y bata pa
iyon nga lang siya’y may katigasan ng ulo’t siya rin ay lampa
magkaiba man kami ng ugali’t kami’y mabuting magkaibigan talaga

ano ka ba Sofia at bakit ba ako’y lagi ang iyong inaalala
wala naman akong sakit at ikaw nga diyan ang baka hinihingal na
masyado ng mainit O halika na’t uminom tayo sa bahay namin ng cola
ang alam ko’y nagluto si Mama ng putong may keso’t ang ating paborito O hindi ba
ay oo nga pala’t baka tapos ng magluto ng putong may keso si Tita
ikaw talaga Sofia basta sa pagkain ay hindi pahuhuli’t laging may gana
kaya siguro bumibigat ang iyong timbang kasi’y madalas ka sa amin
sige ka’t ikaw ay hindi na si “seksi” kung hindi “siksik” uy! aminin
sinalubong nga kami agad ni Tita Carys ang ina ni Elena
silang dalawa na lamang ang magkasama’t sa ama’y naulila na siya
panay ang punas ng pawis ni Tita Carys sa likod ni Elena
hindi na maaalis sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala
masaya naman ako ngayong hapon ngunit pag-uwi ko’y mabigat ang aking paa
tumigil ako sandali sa dating tahanan ng aking kaibigang matalik na si Elena
umalis na nga si Tita Carys at napapayag ng mga kapatid na manirahan na sa Amerika
ngayon ay summer vacation sa kolehiyo’t ibig ko sanang kami’y magkasama ni Elena

dati-rati pagkatapos kong mag-almusal ay takbo na rin agad ako sa bahay nina Elena
humahangos ako sa pinto’t nakita kong umiiyak si Tita Carys at nadoon din si doktora
lumuhod ako sa kanyang harapan at nakaramdaman ako sa kanya ng matinding awa
niyakap ko siyang muli nang mahigpit at ako’y napatingin sa may altar niya
ito’y kumakalat at nanunuot sa bawat himaymay ng ating katawan
ito raw ay nasusugpo’t iba’t-iba ang paniniwala ngunit ang resulta’y hindi kaginhawaan
saan ka nga ba lumaya’t nadugtungan pa raw ang kanyang buhay
marami ng nagnais at labis na mga nagtangis sa kanilang naging maikling buhay
natutulog pa si Elena ng ako’y lumapit sa kanyang kama
hinaplos ko ang kanyang ulo’t nakabalot ng malambot at lila na tela
ito’y bigay ko sa kanya nang unang nalagas ang kanyang buhok sa harapan
naalala ko siya’y nataranta’t kaming lahat ay kanyang inaway at hiniyawan

naalala ko’t talagang may mga araw na siya’y namimilipit sa sakit
hindi na siya makakain at ang ina’y laging sa kanya’y nakadikit
sa kaunting pagkain siya’y nagsusuka’t ang panlasa niya’y mapait
nahulog na ang kanyang katawan at ang sabi niya’y malapit na siya sa langit
dumilat na nga si Elena O ang kawawa kong matalik na kaibigan
salamat Sofia’t may ibibigay ako sa iyo’t alam kong iyong magugustuhan
gustung-gusto ko ang aming larawan at iyon ay kuha sa harapan ng simbahan
ito rin ang araw na kami’y nagpakawala ng mga lobo’t ito’y kanyang kaarawan
tatlong taon na rin ang nakalipas Elena’t ako pa rin ay nasa iyong harapan
lagi-lagi kitang dinadalaw sa iyong napakatahimik ngunit mabango’t bagong tahanan
isang malaking krus ang ngayo’y saksi sa ating pagkakaibigan ngayon at magpakailanman
mahal kita’t itinuring na parang kapatid at ako’y laging nandito’t hindi kita makakalimutan
by MRS. PUNK ROCK CIELITO’S #EBIGAN BOOK
Ang aking kuwento’y isang kathang-isip po lamang. Kung ito’y may pagkakahawig sa inyong pangalan (patay man o buhay), pook at pangyayari. Ito’y hindi ko po sinasadya at nagkataon lamang.
LOUIDA KÜHN CANCER SURVIVOR STORY




Louida’s Story is previously published in Pilya Blog Magazine’s “Anibersaryo Pabuloso” 4th Anniversary October 2019
That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE Now! Maraming salamat po.