Tree of Life. Painting by Edith Gross. Photography by Maria Ces Seidel

Beating The Odds

gabing-­gabi na’t nakakabaliw ang katahimikan sa silid ko
titingin sa kanan at sa may kaliwa’t tumataas ang balahibo ko
tititig sa kawalan sino? ano? nga ba ang dapat isipin ko
lumalangitngit ang aking kama O hindi ba nadinig ninyo?


kahapon pala ng tanghali’y magkausap kami ng kapitbahay ko
tinatawag niya ako’t isa siyang matandang babaeng palakuwento
ang sabi niya “Maria gusto mo ng tsaa halika’t maupo tayo sa damo”
“amuyin natin ang bango ng aking hardin sa iyo na ang paru­-paro.”


umaga na nga’t aaaggghhh ano nga ba iyon ano? bakit nalimot ko?
mayroon pa siyang sinabi sa akin sa bintana’y napatakbo ako
bakit kaya? sinu-­sino sila? bakit sa bahay niya’y madaming tao
nakalimutan niyang patayin ang mga ilaw at nakasindi lahat ito


palakad­lakad nga ako sa pag-­iisip at nilalamukos ko ang aking kamay
nangangatal na naman at nagpapawis? sila ang tunay na magkabagay
ang aking mga itinuring na kaibigan at braso ko’y binigay-mga pasaway
huling-­huli ko sila ako’y kanilang pinagtatawanan mga bantay­ salakay!


nandito ako sa pinto’t hindi maaari ito’t lumalapit ang kanilang mga yabag
ayoko silang makita! ayoko silang makapiling at ako ay kanilang bihag
sa gubat ay madaming katulad nila’t mga ligaw na hayop o mga baboy damo
maiitim ang budhi’t sa mabahong kuralang may putik doon dapat kayo!

bugahan ang salamin at may babaeng nanlalata’t nanlalalim ang mga mata
hindi kasi ako makatulog ako’y nagbibilang ng mga bituin sa may veranda
paminsan­-minsan nakakadinig ako ng mga boses at ewan ko kung saan galing
nagbubulungan na naman sila’t takpan aking mga tainga’t sino ang sinungaling?


bakit kaya ako’y parang manhid at nanlalamig ang aking katawan?
mapuputla ang aking mga kuko’t bakit wala yata akong maramdaman
ayokong umalis sa silid ko’t dito lang ako’t madami akong maiiwan
itong mga gamit ko ang aking yaman at akin lamang iyong tatandaan!


huh? lumalakas ang mga yabag at nakita ko na naman doon ang liwanag
Diyos ko bakit ganito? hinawakan ko ang aking puso’t subalit ito’y hungkag
nasambit ko ba ang ngalan ng Diyos at ako ba’y buhay O nasaan ang puso ko?
naalala ko na ang sabi ng kapitbahay “Maria ang buhay mo’y pagka­isipin mo.”

gumagala ka’t ako lang ang sa iyo’y nakakakita kahit hindi ka kumikibo
ang mga mata mo’y nagmamatyag sa iba’t-­ibang kulay ng hardin ko
mayroon kang pakiramdam subalit hindi nakababatid ang iyong puso
gusto mo bang maging bulag pipi’t bingi’t mabuhay sa hindi mo mundo?”


anumang bagay kung ang puso ang gagamitin ay siyang pinakamasidhing tunay
wagas na pag­ibig, tunay na pagkakaibigan o pagdibuho ng larawan at walang sablay
ang buhay ay iisa lamang at pagkaingatan at nagdurugo minsan
ang puso sa pagkabigo
AKO AY nabubuhay nang dahil sa PAG­-IBIG at ang puso ko’y tumitibok
nang dahil sa inyo

by MRS. PUNK ROCK CIELITO’S #EBIGAN BOOK

Maria Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito
Edith Gross, artist/painter from NRW, Germany
Edit Gross, artist/painter from NRW, Germany with her “Tree of Life”

“Arte, Husay at Diskarte” Agosto 2021 is coming soon! That’s really Pilyamazing! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE Now! Maraming salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.