

Bernadette Hofbaur
Best in Filipiniana: Mercy Zabold-Schneider
nakakawangis mo ba’y isang paru-paro
madalas palipat-lipat ng puwesto
ang mga kasangkapan sa kuwarto
umiikot kaya madalas kang mahilo
umuusad ng dahan-dahan ang bulati
katulad mo rin bang madulas dati
nakakapuslit sa daang akala mo’y mabuti
kahit saang magtungo ay nababati
Aloha Eister
Jessa Lopez-Knapp
gaya ng kuwento ng isang tipaklong
kung tag-araw ikaw ay sumusulong
kung tag-ulan naman ay sumisilong
nakakabagot talaga ang nagkukulong
katulad mo rin ba ay isang langgam
mabagsik ang kagat sa aking pakiramdam
kung minsan ay ayaw kitang katalamitam
ibig ba kitang tirisin ng walang agam-agam
Kris Flagner
Marjorie Platter
o di kaya ikaw ay isang malaking suso
hindi mawaglit sa aking isipan ang iyong nguso
sa loob ng iyong bahay ay pulang-pula katulad ng puso
iyan ang aking namana sa iyo ang sabi ng aking esposo
maihahantulad ka rin ba sa isang palaka
lumalaki ang boses at humahaba ang dila
ang luntiang kulay sana’y magbigay himala
ilabas ang suwerte basta’t may subong pera
Joanna Tscharntke
ngunit para sa akin ikaw ay isang luntiang dahon
hindi malalagas o matutuyo masungit man ang panahon
dumarating ako’t may walis tingting at tinatanggap ang hamon
wakas na ang kabanata ng sermon at ako’y may pusong mamon
Paunawa: Ang mga larawang ito ay walang kinalaman sa sinulat ng may-akda. Ang blog na ito ay pawang kathang-isip lamang.