

On October 5, 2019, Pilya Blog Magazine joined the “Mrs. EuroPhil 2019” in Ravensburg. The most remarkable things that night are the WINGS worn by the candidates during the “Victoria’ Secret’s fashion like competition”. The ladies spread their wings and and you`ll never know how far they can fly. CONGRATULATIONS to Merian Schmelz and EuroPhil Germany e.V. CONGRATULATIONS to all Winners! The program and awardings are included in the SUBENIR made exclusively for this event. That´s really Pilyamazing! Maraming, maraming salamat po. Hosted by Frederick Lobaton and Lea Fernando. Music powered by Chris Frisch. Photography by Maria Ces Seidel






O kay bagal naman ng trapik at nakakabanas
may aksidente bang nagaganap o nakalipas
naglipana silang mga u…sila pa ang maangas
hindi sila kasangkot ngunit nakikigulo at pupungas-pungas




ano? bakit mo sa kanya sinabi at hindi naman dapat
atin-atin lang sanang dalawa ang aking ipinagtapat
napaka mo! isa ka ng d…ito ang sa iyo at ang nararapat
isang matinding kurot sa singit o hataw ng patpat ang katapat




bakit kaya itong katabi ko sa dyip ay iiling-iling
urong-sulong sa kanyang upuan at panay ang biling
ayaw madikitan man lang at siya kaya ay bagong gising?
nagtakip pa ng panyo s…siya at ang ale ay humatsing!




alam nyo bang si Mang Ano at Aling Ano sa kanto
nakita ko si D at E nanood ng sine at kasi nga ganito
siya ang bida at matalas ang tainga`t alam ang kuwento
dakilang t…sanga-sanga ag dila´t madalas mag-imbento




huwag kang mangunguna´t maghintay ka ng eksena
walang masamang magtanong bago ka bumandera
ang lumalakad ng matulin kung matinik ay malalim O hindi ba?
huwag kang i…para dumami ang iyong followers ika nga


galing ka na ng SM at punta ka naman sa Robinson´s Galleria
nagyaya ka pa sa Shangri-la O may nunal ka ba sa paa?
sino´ng pagod at lakad dito at lakad doon kahit na mag-isa
l..! umuwi ka na at galit na si mader at madaling araw na!




ako lang ang babae sa aming barkada at `tol ang tawagan
masama bang makipag-usap lagi sa mga kalalakihan?
masakit kayang madinig na ako ay l…at ako ay nababansagan
inggit lang ang iba at I am just one of the boys ang turingan



ang ganda ng kanyang buhok at ang kulay ay bagay kaya sa akin?
nanghahaba ang iyong nguso`t i…naniningkit ang iyong paningin
gaya-gaya puto maya! sabay irap at panay naman ang iyong tingin
gusto koý ganoon din at hmmp! sana ako rin ay lagi mong dinggin


ingatan lang ang buhat sa aking buwayang pigurin at iyan ay mamamahalin
ang gara di ba ng aking “yoyo” at galing tate`t bagay na bagay sa akin
huwag magbuhat ng sariling bangko`t hayaan mong ikaw ay purihin
si Rod Navarro at ang makasaysayang electric fan O huwag kang m..!
“Mad World” by Mrs. Punk Rock Cielito, from #EBIGAN book
Sagot: usisero, dakdakina, suplado, tsismosa, intrimitida, lakwatsera, lalakero, inggitera, mahangin o mayabang
Paunawa: Ang mga larawang ito`y walang kinalaman sa sinulat ng may-akda.


