ABANIKO TWIST

“class, lend me again your malinis na ears…
ano ang ating pambansang dahon?

iyan ang unang tanong sa inyong pagsusulit at tama na ang paglalaro ng lapis
ang pangongopya sa katabing kaklase’y ang pangalawang ayaw na ayaw ni Miss
cut! ang unang ayaw daw ni Miss ayon sa tsismis ay si Principal at biglang dumating
aha! “dumungaw si bakulaw na nakaPolong dilaw at ang noo’y nakakasilaw!” ding!

ang anahaw ay isang pabilog na dahon na palma at ako’y humahanga
sino sa inyo ang nakapaglaro rin nito’t natuwa kami sa aming gawa
sa pamamagitan nito’y makakagawa tayo ng banig at pambalot ng pagkain
ang pinakapaborito ko’t dahil sa pagiging makulay nito’y ating tradisyon din

IMG_8820.JPG

ang pagkakadugtung-dugtong ng mga pinaghabing dahon ay maihahantulad kaya
sa isang timpalak ng kagandahan ng mga kababaihan at sila’y mga mayuming Pilipina
ang pagkakahulmang hugis puso’y nagsisilbing daan upang maging malapit na magkaibigan
ang pagkukulay nito’y upang maging mas higit na kaakit-akit ang kanilang kaanyuan

IMG_8839.JPG
Thank you very much to our client, Michelle Bausin from Sweden.

ang ating mga “Maria Clara” ay may tangan na abaniko’t nakalapat sa kanilang dibdib
sa kanilang paglalakad ay para bang sinasabi nilang “this is me, ikaw ay aking mapapabilib!”
oo nga naman at sa malamang ang mga miyembro ng hurado’y humanga’t may naglaro sa kanilang isip
sa akin ay mas malaki ang puntos ng may kakaibang istilo’t malakas ang dating “hanep!”

IMG_8811.JPGito’y sa panahong tag-init ay usung -uso
masusubukan ang lakas ng ating kamay at kamao
ang paulit-ulit na kumpas at ang pagtaas ng iyong ulo
sige pa ang bira’t nakakangalay man ay presko

IMG_8808.JPGang aking mga pamaypay ay nakasabit sa aking sala at sa aking opisina
manaka-nakang ito’y aking ginagamit habang nagtratrabaho’t maalinsangan ba
dahan-dahan ang kampay habang ako’y nag-iisip at nakatingin sa puting ulap
napapabilis ang paypay kung tumitindi ang init o nilalamok at may hinahanap

IMG_8768.JPGbilang isang manunulat ako’y magsisilbing “abaniko o pamaypay” sa aking sinusulat
ako’y isang instrumento lamang sa kahilingan ng aking mambabasa’t sila’y nagpapasalamat
kailanman ay hindi ko maaaring baguhin ang kanilang karanasan at sa akin ay isiniwalat
ang iyong palagay ay isa lamang kuru-kuro’t hindi mo dapat ipagkumpara sa kanilang tapat!

“sa katanghaliang tapat at matindi ang sikat ng araw ay huwag mo akong babatiin
inaalat ka’t nababasa ko ang iyong isipan at ang tiyan mo’y kaya kong pasakitin
ako’y namamaypay habang nakaupo sa aking tumba-tumba’t malapit-lapit ka sa akin
kung alam mong ikaw ang tinutukoy ko’y may mararamdaman ka rin agad… sige na’t ikaw ay magsaing” 
– Ayaw Mo Akong Maging Lola

 Plus

IMG_8589.JPG

On June 29, 2019, Pilya Blog Magazine joined the Charity Gala Night 2019 and Search for “Queen of Asia International 2019” and “Queens of Queens Universe 2019” of Eurasia Alemanya e.V in Stadthalle, Schweinfurt. Congratulations to Eurasia Alemanya e.V. That’s truly “Flower Power!”  Hosted by Frederick Lobaton. Performer: Lyzel

WINNERSGROUP1.jpg
CONGRATULATIONS TO ALL WINNERS! You’re all Pilyamazing!
IMG_8957.JPG
Congratulations Eve and Kharen from PilyaBlog Magazine! You’re both Pilyamazing!

Eve Leonardo is crowned as the “Queen of Asia International 2019” and Kharen Endler is crowned as “Queen of Queens Universe 2019”. Eve and Kharen will grace the cover of our HOT SUMMER ISSUE. That’s really Pilyamazing! Congratulations, ladies!

CESQUEENOFQUEENS (1)
Maria Ces Seidel, photographer and publisher of Pilya Blog Magazine

PILYA BLOG MAGAZINE would like to congratulate our client, Michelle Bausin for winning the titles of ” Best in Production Number”, “Diva of the Night” and “Overseas Queen Eurasia” at the Charity Gala Night 2019 and Search for “Queen of Asia International 2019” and “Queens of Queens Universe 2019”.
Moreover, Michelle would like to thank the following:
1. Eurasia Alemanya e.V.
2. Sponsors: Thomas Augustsson and Mr. Kent from Karlskoga
3. Amparo Frissör & Massage Örebro and Karlsköga
4. Michelle Massage Stockholm
5. Amparo Källkvist, Director of Miss/Misses Glamour Sweden
6. Amparo Modelling Agency Sweden
7. Amparo Charity International
8. Photography by Maria Ces Seidel and SUBENIR by Pilya Blog Magazine
9. Designer: Annabelle Pastoril

“WHAT STARTS WELL, ENDS WELL.” “Flower Power” is coming soon! Abangan! Maraming, maraming salamat po.

Bonus: The candidates in their Samba/VS costumes

Submit a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.