
marahil ngayo’y alam mo na
hindi lamang malakas ang aking loob
kalog din ako O hindi ba?
sa bawat saglit at iyong titig
marahil ito’y walang dahilan
ang ngiti’y wala siyang batayan
ang pagpapakita ng giliw
ang paghaplos ng iyong kamay
nakikiayon ka lang ngunit wala kang malay
marahil nga ako sa iyo’y balewala
ang tunog ng aking halakhak sa iyo’y walang halaga
ako’y dumating at aalis din bukas kung baga
subalit ikaw ay laging nasa aking tabi
lumalapit kang kusa’t kung bakit kasi
mahinahon kang kumilos at hindi ko kauri
sayang lamang at hindi ko talaga maalala
kung bakit nga ba mapula ang iyong mukha
tumalikod ka kasi agad at hindi nagpaalam
sa ilang segundo’t ako’y nabalisa
siyang bukas ng pinto’t hinabol talaga kita
ngunit kahit ang bakas mo’y nawalang parang bula
nanghihinayang nga ba ako sa mga lumipas na sandali
isa akong hangal duwag at mapagkunwari
labis tuloy akong nag-alala’t sana’y magparamdam kang muli
hindi mo lang alam…
hindi ko rin alam…
ayoko talagang magpaalam…
sana’y dumating pa ang ganung pagkakataon at ako’y hindi na mag-aatubili
babaguhin ko ang aking maling kinilos at walang masasayang na sandali
hindi na ako magbubulag-bulagan at ilalantad ang aking sarili
gusto rin kita…
isa pa’t pagbibigyan kita…
huwag mo ng itanong kung mamahalin kita….
Plus

PINOY LAKWATSA APRIL 2018
ARAG is the largest family-owned insurer in Germany. ARAG is founded in 1935 and active in 17 countries including the US and Canada. To know about its attractive offers, products and services including health and old-age pension insurance, please contact SVEN THORSTEN IHDE Mobile: 0049 (0) 15120712677. MARIA LUZ INDEMNE: 0049 (0) 1739246418.
FOR TICKETS AND RESERVATIONS, Contact Corazon Reyes, Mobile: 0049 (0) 15217961950.


