Dear PB Mag Readers, Clients and Sponsors,
2017 is a good year for us because of YOU. Thank you for your continuous support and patronage to Pilya Blog Magazine. In 2018, we promise to serve you better and we are expanding in Europe. We will always be Pilyamazing! Mabuhay kayong lahat!
Thank you very much. Vielen Dank. Maraming, maraming salamat po.
What’s Next?

*** TOOTSIE ROLL ***
2018 is the Year of the Earth Dog
naku! alas siyete na pala’t ako’y uuwi na sa aking haybol
doon sa Maynila’t sa lugar ng maralita’t gusto mong sumama ‘tol?
kung tawagin ko siya’y “Eskinita Acapella” O bakit nga ba?
“banal na aso santong kabayo natatawa ako” iyan ang kanta
dito sa kanto’y nakatira si tandang Domingo’t isang huklubang tuso
kung tawagin ay bahay sanglaan at nagpapautang ng 5-6 at sobrang magpatubo
hindi ka basta makalapit sa bahay at gwardiyado O ang bagsik ni Lucio!
mabangis! “aw aw” at laging nanggagalaiti sa nagdadaang mga tao
“214” ang numero ng bahay hihihi at diyan nakatira ang dati kong nobya
ipinagpalit ako kay Bambu Manyak! O akala ko pa naman ay siya na
lagi ko silang nakikitang naghaharutan sa kalye’t hindi ang katulad ko
isa akong maginoo gaya ni dikong Berting at pahalik-halik lang sa ulo
“hi Krissy musta na?” siya ang aking maarteng kaibigan O tingnan mo
laging may hawak na salamin at ang buhok ay puno ng dilaw na laso
may lahi silang Intsik at ang kanyang butihing ina’y dating lagalag sa Edsa
“tama na, sobra na” hindi sila kumakain ng galunggong at pasosyal ba?
ano ba Aga JC! “aw aw” huwag kayong maghabulan at nakakabunggo kayo
sila’y mga bagets at teka si Herbie at Krissy ay naglalampungan O ang libido!
akala ko kasi wala na sila’t talaga naman ang buhay din ng mga pulitiko
sa umpisa’y parang asukal ngunit sa huli’y magdildil sa asin at “yo soy no tonto!”
nadidinig mo ba ang tawanan hihihi O dadaan tayo sa mga nag-iinuman
ang pamilya Lapid at ang gang O Valiente! hindi tayo pwede kahit pulutan
alin ang kaldereta sa mesa? huwag mong pansinin kahit masama silang tumingin
yumuko ka lamang habang dumadaan at sila’y may amats O tagay pa ng gin
ssshhh! kawawang Tado’t kahapon lamang kami’y nagkukuwentuhan
dahil siya’y maligalig at kinagabihan ay naging biktima siya ng “hit and run”
mahilig siyang maglakbay at ngayon nga para siya’y pinaglalamayan
umiiyak si Bingo’t ang kanilang bahay ay parang casino o isang pasugalan
“777” ito ang huling numero ng bahay sa dulo’t iwas sa tetano’t magugulat ka
sa loob mga naglalakihang imahen ng Mahal na Birhen O sinasamba kaya nila?
nasaan kaya si Sanchez at sasagpangin ko siya’t matagal na akong walang balita
kriminal! dapat siyang magdusa’t panay ang hawi ko sa aking bangs hihihi at kay haba!
“King, ikaw na ba yan, King?” si Nanay Adela’t siya ang nakapulot sa akin
isa siyang bulag at 13 taon na ang nakaraan at ako’y kanyang anak kung ituring
madami kaming alaga niya sa umaga’t kami’y namamalimos sa kalsada
“Nanay Adela mayroon po akong pancit molo’t bigay ni Betchay iyong kusinera”
Valiente “aw aw” ito ang aming haybol at slumdog ang tawag sa munisipyo
“King, basang-basa ka ba ng pawis? baka ikaw ay magkasakit O halika rito”
sabay himas sa aking balahibo at ang aking buntot ay nagkakakawag ng totoo?
natatawa ako hihihi halika Valiente at sa lupa’y magpagulung-gulong tayo
prrt-prrt! ang mga alaga ko’y walang bahag ang buntot at sila’y nagtatatalon sa akin
“aw aw” ako’y kanilang dinidilaan at natatawa ako hihihi at para kaming Sapin-Sapin
isa-isa lang at mahina ang kalaban “aw aw” at heto pagsaluhan natin ang buto-buto
matalik kong kaibigan ang mga aso’t gayang-gaya ko sila’t ano’ng akala nyo?
by Mrs. Punk Rock Cielito

Thank you very much. Vielen Dank. Maraming, maraming salamat po.