ito ang panahong malamig at masarap matulog at kung minsan ay paulan-ulan ang iba’t-ibang kulay ng mga dahon sa puno’y nalalagas at nagbabagsakan malas sa taong ito’t ang mabuting kabute sa gubat ay hindi naglilitawan mainam pa ang mga dating maiilap na usa’t marunong ng makipagsosyalan kailan nga ba ang tao’y naninilaw sa iyong kaalamanan ang sabi siya’y may hepa’t madilaw ang mata’t sa ginto’y nababalutan siya’y parang litson naman sa pula’t aruy at nasunburn pala nagkulay orange at naluto sa tanning bed at ang kita lang ay mata “Indian summer” daw ang tawag at si En-En at ako’y iiling-iling alin ba ang totoo’t tumango ka nga’t ang ulo’y huwag pabiling-biling nakakasilaw ba ang kanilang mga kulay at bawal silang pindut-pindutin ang manggagahasa’y maglalayo sa inosenteng bata’t dapat lang silang bitayin ang mga dahon ay bumabagsak at animo’y nakikisayaw sa hangin “shake it to the left shake it to the right, point to the east” at kami’y taga Southern masama raw kung nalalagas ang ngipin sa panaginip at ang kasabiha’y sino? mayroon daw madededo’t naku dagdagan mo lang ng mumog o sipilyo ![]()
binalatan ang matinik na si Ka Pinya’t siya’y nagbabad sa loob ng lata bagoong ka’t uubra lamang kay hilaw at hindi sa hinog na mangga talo ni dalanghita si Sunkist orange at si peras ay nagmumura pa paano na si Aling Tsesa’t masarap lang tingnan ngunit ang lasa’y mapakla tagaktak ang pawis sa oras ng suliranin at patingin-tingin sa oras pinaglalaruan ang lapis at kakagat-kagatin ang pambura sa itaas at times like this at naubos ng lahat ang Mentos at ikaw din ay susuko aminin mong ikaw ay kalabasa’t numero “0” at wala rin sa kartada’t hindi bi-Bingo! ![]()
bakit ka nga ba maaaring ihantulad sa isang kalabasa? siya’y gumagapang papalapit sa ginatang alimasag at kasahog ka katulad din ito ng pangangamote niya’t kaya nangongopya hirap sa anumang paraan o “bopol sa row 4” ang mga halimbawa “pumpkin” ang tawag ni lalaki sa kanyang kasintahan na sweet at mahinhin hindi ba’t ang pumpkin ay pang dekorasyon sa pagdiriwang ng Halloween si Jason Voorhees ay may kutsilyo’t si “pumpkin” ay handa ng ukitin paramihan sila ng biktima ni Michael Myers at bilis takbo na ang matatakutin sa gabi ng pagdiriwang ang lahat ay nakamaskara’t kostum na nakakatakot kung sino ang “mas pangit” at ang “kadiring tingnan” O sila’y madaming fans na hakot ang “pangit” ay ang bagong katawa-tawa ngayon sa telebisyon at ito’y pang-aabuso kailan pa naging katawa-tawa ang may kapansanan O may toyo sa ulo ang pasimuno sa gabi ng lagim kami’y uupo ni Chucky doll sa aking sofa at panonoorin si Freddie mas matakot ka sa buhay at hindi sa matagal ng patay at magpapamigay ako ng kendi magtitirik din ako ng kandila para sa dark comedy at ito’y lost in translation at hindi mabili are you afraid of the dark? ano ang nasa dako pa roon? at sa paborito kong atay ay manggagalaiti! Happy Halloween!!! |


What’s Next?
WOMEN EMPOWERING WOMEN. On November 4, 2017, Pilya Blog Magazine joins Josephine Dibble and friends from London in Global Convention 2017 at Balsaal, The Westin Grand Hotel in Munich. Good luck to you, ladies! That’s really Pilyamazing!
SHE’S GOLDEN. On November 11, 2017, Pilya Blog Magazine joins the 50th Birthday Celebration Party of Marilyn Schönberger in Hotel Adler, Augsburg. This event is to be published with us in Jan/Feb 2018. Thank you very much, Marilyn for the invitation. You’re really Pilyamazing!
