ang lakas ng hampas ng hangin at ang laki ng alon
sinasayaw ang mga puno’t sa bagyo’ y nakikiayon
labasan ang mga tao’t bilis at ang mga gamit ay iahon
wag kayong magpapanik at masungit na ang panahon
nagdaan na nga ang pinakamatinding si Ka Yolanda
maraming nagbuwis ng buhay at ang mga pananim ay nasira
ang bagyo sa babae’y ipinangalan o bakit nga ba?
paiba-iba raw kasi ng isip at ang gusto ngayo’y ito’t maya-maya’y iba
nakakabingi ang kulog at kasunod nito’y mabangis na kidlat
naghahanap ng mabibiktima’t huwag ka sa bubong aakyat
noong unang panahon ay wag ka basta sa babae pakindat-kindat
isang kabastusan at isang matunog na sampal ang sa iyo’y nararapat
hindi humihinto ang buhos ng ulan at lahat ay nagtatampisaw
ang mga bata’y takbo dito’t takbo doon aba’y naliligo o nagbabanlaw?
lumubog na ang kalye’t para ng ilog at walang lupang matanaw
madaming nagtutulak ng sasakyan ngunit sila’y tulung-tulong at di umaayaw
ang tubig baha’y deadly at pagsabihan ang lumulusong na bata
sari-saring dumi ng tao o hayop at galing sa kanal na may ihi ng daga
nagdudulot ng sakit na “leptospirosis” at pinag-iingat ang boung madla
“prevention is the best cure” at huwag balewalain ang mga babala
ang sobrang linis sa katawan ay hindi rin mainam O tara na sa Lucban
ang longganisa! gamit ay hand sanitizer O gaano kadalas nga ba ang minsan
hindi nagpupulot ng nahulog na pagkain kahit gaano kasarap ang suman
namnamin ang suman moron at suman sa lihiya at suman sa talipopo ng Samar Borongan
super typhoon! ang babala’y signal no.3 at ang iskul at opisina’y walang mga pasok
paulit-ulit ay nagbabalita ang PAGASA at brownout at ang lahat ay nagmumukmok
ang sabi-sabi’y kung may isinuksok ay may madudukot at sa iyong kokote’y ipasok
kuwarta o kahon at ang magnanakaw ng laman ay sakim at sila’y namundok!
ang mga Pinoy sa gitna ng kalamidad ay napupuri pa rin at masayahin
sa larangan ng balita’y nakaharap sa kamera’t hindi nauubusan ng sasabihin
ok na ok pa rin ang sagot ngunit pagkain tubig kumot at kubeta’y ang kanilang mga hiling
may nagbibigay ng relief goods gaya ng bigas at iba pa O siya na’t “TY” huwag ng dumaing
mga kababayan ko’t mag-iingat kayong lahat at kailangan din natin ang ulan
ang mga puno’t mga bulaklak at mga halaman ay kailangan din sila’y madiligan
marami rin napapasaya ang ulan at silay’y kinikilig pagkaraan ba ng siyam na buwan
suntok sa buwan at sino nga ba ang di mababaliw sa ulan ang tanong ng bayan
Maraming, maraming salamat sa inyo, Odie, Jay, Johnny, Jo, Ashel, Russel, Ceejay, Bulk, Rommel, Mocs, Russel, Jose and Jherry.
Plus
On Sept, 17, 2017, Pilya Blog Magazine joined Ms. Elisa Bombis at the Seafarer’s Lounge in Kiel. Thank you very much, Ms. Elisa, that was really Pilyamazing!
Happy 2nd Year Anniversary, Pilya Blog Magazine! Thank you for your continued support, appreciation and for the confidence that you have placed in us! Mabuhay kayong lahat! Mabuhay ang Pilya Bloggers!
