BUWAN NG MGA AKDANG PINOY 2017

Ating ipinagdiriwang ang BUWAN NG WIKANG PAMBANSA Agosto 2017 at BUWAN NG MGA AKDANG PINOY. Ating sinusuportahan at sinasaluduhan ang mga Pilipinong manunulat sa buong mundo. Kami ay lubusang nagpapasalamat sa aming Pilya Bloggers at sa mga Pilipinong manunulat na nagpaunlak sa amin na mailathala ang kanilang mga gawain. Sila ay sina Kristin Camins, Karl Acepcion, Neil Alvin Nicerio, Odette Montelibano, Bebs of foxyfolksy.com at Kate Draheim. Kami ay patuloy na tatangkilik at inaanyayahan ang sinuman na Pilipinong manunulat na ibig makibahagi sa aming layunin na aliwin at ibalik ang karamihan sa pagbabasa dito sa Alemanya. Kung kayo po’y interesado, maaari po lamang na makipag-ugnayan sa amin. Huwag na huwag po kayong magsasawa sa pagbabasa. Maraming, maraming salamat po.

San Miguel Island 2
THE CHARMING SAN MIGUEL ISLAND. Photo courtesy of Karl Acepcion of  Turista Trails.

BLUES CLUES: NO SHOES

tandang tanda ko pa

dito tayo huling nagkita

ang alon ay rumaragasa

tayo’y tunay na magkasangga

 

ipinangako ko sa aking sarili

ako’y hindi dapat makasarili

ikaw ay ako’t isasamang muli

tayo’y magkabagay at puring-puri

 

dito sa Laguna hanggang Batangas

ang porma ko’t sabi nila’y ang angas

ikaw at ako’y hindi malalagot at pipiglas

umakyat tayo sa puno ng makopa’t pipitas


malayo nga minsan ang ating nararating

ginagabi tayo’t tumatawag na si nanay Luningning

napipingot ako’t madungis tayong parang matsing

nahablot ka’t minsan aruy ang mata ko’y naduling

Entry no.15 by LEAH CATHERINE
LEAH CATHERINE IN BORACAY.

ang kabilin-bilinan ng aking lola

wag manapak ng kapwa ika niya

lagi lamang maging mapagkumbaba

bumangon agad kapag nadapa

 

sino nga ba ang bida sa larong tumbang preso

hindi ba’t tayong dalawa ang laging nananalo

ang galing kong humagis at ikaw naman ay asintado

hahaha pinaiyak nating muli si Pekto’t siya’y asar talo

 

ayos! at tayo’y klik at magkatropa

subok na subok at tayo nga’y lumalarga

sabi ko pa naman ay hindi ka mawawala

ikaw ay matibay kaibigan at ako’y humahanga

San Miguel Island 4
THE ATTRACTIVE GUINANAYAN ISLAND. Photo courtesy of Karl Acepcion of Turista Trails.

 

natatandaan mo ba ang una kong pagsinta

unang kita ko sa kanya ako’y napatulala

kay pungay ng kanyang mata’t kay haba ng paa

ikaw ang kanyang napuna’t nagustuhan agad niya


paiba-iba na nga ang istilo at may bagong nauuso

ang mga batang taga-isla’y may bagong iniidolo

bahala sila halika na’t sumampa na tayo sa barko

basta tayong dalawa saan mang lugar ay pwede tayo


subalit tinangay ka nga ng malakas na alon

nataranta ako ng husto o bakit nagkaganun

pilit kitang sinalba ngunit nawalan na ako ng pagkakataon

malayung-malayo ka na at mga paa ko’y nakabaon

hinding hindi kita malilimutan……paalam…tsinelas kong Spartan! 

@mrspunkrockcielito

ANG MGA TULA NI ADRIANO PAGULAYAN JR.

Entry No.5 by ANA CASTILLO OCTAVO

Photo courtesy of Ana Castillo.

SA UMAGA

Kasabay ng pagtitig ko
sa bukang-liwayway
ang pagngata ko
sa mapait na pangungulila.
Muli’y mabubusog ako
sa nakahaing libong katanungan
at magtatapos sa pagdighay
nang nakauumay na katahimikan.
Pahingahan itong
malimit kong binabalikbalikan.
Saksi ang mga upos
na nangalaglag sa aking paanan.
20160522_001022049_iOS
Photo courtesy of Ces Seidel.

TAGPO

Maraming beses
na pala akong humalik
sa kamatayan.
Sa bawat hithit
at pagbuga ko sa usok
ay pagmamano sa pamamaalam.
Ang upos sa aking paanan
ay pagkakakilanlan
kung paano mo ako iniwan.
Tinapakan.
Muli’y magsisindi ako ng yosi
at tali itong magbibigti
sa aking natitirang mga gabi.
 TOP61
Pilya Blog Magazine MUTTERTAG 2016, June/July 2016.  Maraming salamat Jhojho Villas.
HIPON2KULAMBO CURLS the SEXY issue May/June 2017 . Maraming salamat Jerome Lupisan.

“Let’s Get Cultural!” ang aming tema para sa susunod na isyu ng Pilya Blog Magazine sa darating na buwan ng Setyembre 2017. Abangan!