THE BEADS, SMILES AND LACES PART 2

SANTACRUZAN
Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito in Satdthalle Eltmann.

“bubuka ang bulaklak

sasara ang bulaklak

pupunta ang reyna

sasayaw ng chacha

boom tiyaya boom tiyaya boom yeye…”

sino nga ba sa inyo ang nakapaglaro ng ganito dati-rati
ito’y bahagi ng ating kamusmusan at magkahawak kamay pati
Isabel Caridad Elena at Fe at ito’y laro ng mga batang kababaihan
mayroon pa kaming gumamela sa aming tainga’t aking natatandaan
pagpasok ng tinatawag na “reyna” at siya’y iikot at pakembot-kembot
iisa-isahin niya ang mga miyembro’t ang baywang dapat ay malambot
sa huli ng kanta’y “boom!” siya ngayon ang taya’t dapat lang mag Brexit
kunwari’y si “Queen Elizabeth” at fish and chips ang kanyang favorite
ano ang sagot sa aking bugtong “may isang reyna nakaupo sa tasa”
ang sagot ng isa’y si “Thumbelina” at siya lang daw ang kasya sa tasa
hindi siguro’t ang reyna’y laging nasa “hot seat” kaya nakaupo sa tronong silya
kung tawagin siya’y “Belle” at ang sagot ay dilaw na prutas ngunit mapakla
naku! bakit nga ba si Etang kung tawagin sa talipapa’y si Reyna Kurdapya?
sinuman ang nakakahigit sa lahat at angat sa iba’y ang siyang “pinaka”
si Pia Alonso Wurtzbach ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa
ang kilalang-kilala ko’t beterana’y si “Aawitan Kita” Armida Siguion-Reyna
nakakilala akong muli ng mga bagong “reyna” sa Santacruzan sa Eltmann
ito ang pangalawang pagkakataon na ako’y dumalo sa kanilang gayakan
karamihan sa kanila’y nakapayong sa parada’t lumalakad sa kalsada ng marahan
si Reyna Banderada’y taga Würzburg at si Cleopatra’y isang Egyptian

Plus

Santacruzan in Eltmann

 

SANTACRUZAN1
On June 17, 2017, Pilya Blog Magazine joined the 10th Year Anniversary Celebration of Santacruzan in Eltmann. It was a happy feast and distinctively Filipino style. Mabuhay!!!

FUN FOR FAN. Crazy Moments Make the Best Memories.

S1

S2

S3

S4
S6
Paunawa: Ang mga captions po sa mga litrato’y pawang kathang-isip lamang ng may-akda. Huwag po sana kayong mapipikon at ito’y katuwaan lamang. Kung may pagkakahawig man sa inyong totoong sitwasyon at pangyayari’y ito’y hindi ko po sinasadya’t nagkataon lamang. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
 S7
INDAK PILAK. Many thanks to Philippine Culture Club e.V. Nürnberg. Looking forward to see you again on July 29!
S5
Special thanks to Ms. Nene Jocelyn and Children of Mary with Sister’s Love, Light of Jesus Augsburg Group, Ms. Tessie Kraus (Most Charming), Ms. Edith Bernhard, Ms. Rosini Oppelt and guests. Happy Birthday, Ms. Edipee Tagoe.  You’re all PILYAMAZING!

This event is to be published with us in July-August 2017, the SUMMER issue, “FUN FOR FAN” with more photos. Don’t miss it. We accept now order and reservation.

Thank you very much. Vielen Dank. Maraming, maraming salamat po.