
KASAMA KA SA KALAYAAN AT UBEFEST 2024 SA WIESBADEN. 126th Philippine Independence Day Celebration and 70 Years of Philippine-Germany Diplomatic Relations Philippines as Guest of Honor, Frankfurt Book Fair 2025
NOW SHOWING: TINIMBANG KA NGUNIT KULANG, UBEEEEEEE ANG SIGAWWW! PART 1. Ang blog na ito ay aking sinulat para ipakita sa ating mga Kababayan ang ating kagalakan na magsama-sama sa isang naiibang pagtitipon-tipon gaya ng Ubefest 2024. Hindi lingid sa ating kaalamanan ang sentimyento ng karamihan tungkol sa kanilang pagpila ng pagkahaba-haba at sa mahabang oras para sa pagkain. Katanghaliang tapat at ang halos lahat ay dumayo sa Wiesbaden para makatikim ng iba’t-ibang pagkain Pinoy-sangkap ay Ube, masaksihan ang programa at bumili ng mga produkto ng Pilipinas. Bunga ng ating kapaguran sa byahe, kagutuman at pagkasabik na maranasan AGAD ang lahat, sino ba naman ang mag-aakala na aabutin tayo ng siyam siyam sa pagpila sa pagkain? Dumagsa ang napakaraming tao ‘t sabay-sabay at umayon ang magandang panahon sa ating mga SABIK. Nakikisimpatiya ako sa mga naapektuhan ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayari. Nasaksihan ko ang iba’t nakinig ako sa mga reklamo ng ilan. Maayos at tuluy-tuloy ang magandang programa sa harapan habang kumukulo ang aming tiyan sa likuran. Alam nyo naman ang ating kasabihan, “A man’s way to a Filipino’s heart is through his stomach!” Tama ba? Magkagayon man, isang malugod na pagbati sa bumubuo ng “Kasama Ka sa Kalayaan at Ubefest 2024” gaya ng Consulate General of the Republic of the Philippines, Frankfurt Germany sa pangunguna ni Consul Marie Yvette Banzon Abalos at Vice Consul Fatima Müller at Philnity e.V. sa pangunguna ni Paula Salangsang at mga myembro. Maraming salamat po sa inyong sipag at tiyaga at umaasa po kami sa mas kalugud-lugod nating patitipon bilang Ube Fanatics! Hanggang sa muli po nating pagkikita. Auf wiedersehen.
Tayo ay Pinoy, matibay ang walis palibhasa’y magkabigkis! MABUHAY ANG KALAYAAN! Maraming, maraming salamat po.
Paunawa: Ito ay ang unang bahagi lamang dahil sa kakulangan ng pahina para sa aming isyu. Photography by Ces Seidel












Abangan ang Ika-2 Yugto sa Agosto 2024…



That’s really Pilyamazing! Ang blog na ito ay kasamang mailalathala sa aming isyu, THAT FIESTAAA FEEELING! JUNE 2024. Don’t miss it! Tangkilikin po natin ang sariling atin. SUBSCRIBE NOW. Maraming, maraming salamat po.
