


Photography by Maria Ces Seidel
MY SPICY THURSDAY
binigyan ako ng aking bayaw ng tatlong paso ng sili
sabi niya’y hipag alam kong maanghang kang kumain kasi
sabay pabirong “pwede bang ipagluto mo kami ng pansit pati?”
oo naman bayaw at mahilig talaga sila sa pansit O silang mga puti
iyon ay isang taon na ang nakaraan at hindi na sila aktibo gaya ng dati
si bayaw ay isa rin chemist na abala’t nadestino na sa malayo kasi
paminsan-minsan ay sumisilip at laging nangangako sa akin pati
hayaan mo’t bibigyan kita ng matataba’t maanghang na sili
maanghang nga akong kumain at ang pagkain ko’y hungkag kung walang sili
isa raw kalapastanganan sa cook kung dagdagan mo ang kanyang timpla’t bakit pa raw kasi
ang isda’t ang manok at ang patatas at ang gulay-lahat sila’y may sili
hindi naman nakita ng cook at pasimple ba’t ako’y labis ang ngiti
iiwasan natin ang maanghang na salita kahit ang sili’y binibigay lamang
pinipitas lang daw o inaalok at sabay sawsaw sa toyo o patis uy! bagoong alamang
pagkatapos mapikon O ang usok hindi lamang sa bibig lumalabas pati na rin sa tainga
ang anghang sa katawan ay may kainaman din ngunit bago tayo maggisa ng kapwa’y tumingala muna!
by Mrs. Punk Rock Cielito for Pilya Blog Magazine
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG WALANG SAWANG PAGTANGKILIK. Pilya Blog Magazine has been chosen as one of the Top 50 Germany Blogs on the web by Feedspot. Here’s the link: https://blog.feedspot.com/germany_blogs/. THAT’S REALLY PILYAMAZING! Vielen dank! Maraming salamat po.
Thank you for reading our latest blog, My Life as a Berry Pink Spaghetti and Green Zucchini by Thelma Alberts. It’s Thelma Alberts’ Pilyamazing review of Andi Schweiger’s live cooking show on 05.06.2020. Don’t miss it, folks!