CHRISTMAS SPECIAL 2019

CHRISTMASSPECIAL2019COVER

Edna Gerigk of BPI Gemini-Express Remittance Stuttgart

PILYA BLOG MAGAZINE´S CHRISTMAS SPECIAL 2019 IS NOW AVAILABLE! Our COVER GIRL is Edna Gerigk of BPI Gemini Express – Stuttgart Money Remittance. Thank you very much, Edna Gerigk for the trust and confidence you have placed in us. It was fun and a wonderful photo shoot experience with you and Maria Ces Seidel. Truly, with BPI Gemini Express – Stuttgart and Edna Gerigk, our CHRISTMAS SPECIAL 2019 is surely Pilyamazing! Maraming, maraming salamat po.
📸 Maria Ces Seidel
Location: Stuttgart, Germany

The Best Times of Carolling!

tandang-tanda ko pa nga ang aming karoling at ang aming kamusmusan
gabi-gabi kami ay nagtitipon at baon ay malakas na tinig at katapangan
pagkatapos ng bawat kanta ang mga tao’y paulit-ulit naming sinasabihan
katumbas ay madaming barya o buta at ito ang aking nakakatuwang karanasan

Thank you, thank you ang babait ninyo!
pasigaw na nabanggit naming mga bata’t sabay takbo!
kayo na naman! hindi nagbigay kahit beinte singko si Kuyang Do
nakapamewang pang lumabas at parang kapre’t humihitit ng sigarilyo

Thank you, thank you ang babait ninyo!
ang galing naman! teka mga bata taga saan ba kayo?
kami po ay taga Sta. Ana kanan, apo po ako ni Tatang Pedro
sila naman ay sina Neneng Bungisngis, Babylyn Bato at Iyaking Sonny Pekto

Thank, thank you ang babait ninyo!
walang sinuman ang gustong humawak ng patpat na mikropono
ikaw na raw ang mauna’t bakit siya`t hindi raw niya kabisado
e di ikaw na`t sige sa susunod huwag ka ng sumama, gusto mo?

Thank, thank you ang babait ninyo!
makailang kanta na kami’t ang kapitbahay ang aming buena mano
ehem! walang gustong umalis sa kani-kanilang puwesto
hawak-hawak ang lata ng biskwit at lalagyan ng barya O puwes walang hihinto

Thank, thank you ang babait ninyo!
lumabas ang cool na mag-asawa’t nakikanta rin sa amin ang mga ito
tinawag ang kanilang dalawang anak pati na sina hyper lola at super lolo
sumayaw ng itik-itik sa kalansing ng tansan at silang lahat ay ganado

Thank, thank you ang babait ninyo!
nakailang kanta na kami’y wala pa rin dumudungaw sa pinto
uuliting muli ang aming kinanta’t gisingin ang natutulog na tao
nagbukas ng ilaw at lumabas ang aleng nakarollers ang buhok at mainit ang ulo

Thank, thank you ang babait ninyo!
mabilis kumanta’t gusto na namin agad matapos ang lahat ng ito
subalit ayaw pumayag ng kaharap naming matandang tuso
dahan-dahan daw ang pag-awit kung hindi’y wala kaming piso!

Thank, thank you ang babait ninyo!
dadalawa lang kami’t ang isa ay umaawit ng wala sa tono
ako naman ay tumatambol gamit ay puwit ng kaldero
malalakas ang loob “pamparampam…Come they told us, Go!”

Thank, thank you ang babait ninyo!
hindi ko na inabot ang isang puting sobre’t alam mo?
dapat daw ay perang papel ang nakapaloob dito
kadalasan ay beinte pesos at kung isang daan ay grasya ito!

Thank, thank you ang babait ninyo!
nagtatatalon kami at naabutan kami ng limang piso
pinaghatian naming apat at malaki ang parte ng pasimuno, e di ako?
ganung hindi ka kumanta Bato, O ayan singkwenta lang ang sa iyo!

by Mrs. Punk Rock Cielito

Thank you very much to our Sponsors: I AM WORLDWIDE  BARLEY PRODUCTS c/o Anthonette Acson and Tessa Sison of Team Fight Sweden and SHINETH JEWELRY COLLECTIONS

Christmas Special 2019 issue includes: Christmas Time Again by Thelma Alberts. Dating Maria Clara Online by Mrs. Punk Rock Cielito. Christmas Party 2019 of the Asian-German Association plus more…

Maria Ces Seidel wears the “PILYA SET” SHINETH JEWELRY COLLECTIONS by Moly Ohlsson and Helen Svendgaard. That’s really Pilyamazing! MARAMING, MARAMING SALAMAT PO.
  If you like to be published, advertise or subscribe with us, please contact me. 

Merry Christmas! Frohe Weihnachten! Feliz Navidad! Maligayang Pasko sa inyong lahat! Maraming, maraming salamat po! 

Categories: LIFESTYLE

Tagged as: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.