WITH CORRIE THERE`S NO WORRY III

DA SUBENIR, Pilya Blog Magazine Special Edition. That´s really Pilyamazing! Thanks a lot, Tita Corrie! 

26.10.2019. WITH CORRIE THERE’S NO WORRY III! (Oktoberfest 2019) HAPPY BIRTHDAY Tita Corrie Weires from PILYA BLOG Magazine! 🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹 May you have more birthdays to come and happier moments to share with us coz you’re Pilyamazing too! More power to ERGO! Maraming, maraming salamat po.

The Theory of Fragility by Mrs. Punk Rock Cielito, #EBIGAN, THE TALES FROM THE WOODS

 

 

TITA CORRIE AND FRIENDS WITH THE TOTAL PERFORMERS, Richard Balbin Claudio and Bong Christopher, Golden Voice Winner Bonn 2019.

NOON

noong kapanahunan nina Paraluman at ang sabi nga ni lola
ang binata’y naniningalang pugad sa isang mahinhin na dalaga
kung kumilos siya’y “hindi makabasag pinggan” kung baga
siya’y malumanay magsalita’t nagtatakip ng panyo kung tumawa

ang masugid na binata’y nakatingala sa balkon at naghaharana
makabagbag na kundiman ang kanyang alay sa iniibig na dalaga
mayroon din eksena na habang sila’y nagsusuyuan sa ilalim ng puno ng mangga
kung ituring ang dalaga’y babasaging kristal at ang halik ay sa kamay muna

 

 

NGAYON

hagalpak ang dalaga ng tawa’t nakokornihan siya sa dala niyang mangga
ang sabi nga ni lola “kung makatili pa’y makabasag ear drum, susmarya!”
ang masugid na binata’y may dalang bote’t pampalakas ng loob kung baga
naku’t ang dalaga’y ninakawan ng halik sa pisngi ng binatang basag ang pula

ang lahat ng bagay sa mundo na may lamat ay mahirap nang mabuo pa
ang salamin baso’t pigurin na may bungi o basag na’y ibinabaon ko sa lupa
ako’y mapamahiin pa rin at naniniwalang ito’y malas kung kukupkupin ko pa
sa pakikipagkaibigan ay mas yayakapin ko ang bungal ngunit buo ang loob sa pakikisama

 

 

“fragile handle with care” iyan ang tatak at “babasagin” iyan tiyak
statistically speaking ay buhatin ng dahan-dahan at baka ito’y lumagapak
huwag kang madudulas at mahigpit dapat ang iyong pagkakahawak
subalit sa bandang huli’y buta ang score at ang ending ay bye bye na kwak kwak!

 

 

ang ating puso’t buhay ay parang glass at fragile na ating pinagkakaingat-ingatan
“how you hold your glass shows your class” iyan ang dapat nating pag-aralan
clink! kapag kiniskis ang bibig ng baso’y nag-iingay at nag-iiba ng tono
kung minsan ang inaakala mong diamante’t kumikislap ay puwit ng baso!

 

 

Maraming, maraming salamat po, Tita Corrie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.