
The WINNERS are: Nancy Dullas Larsson (Mrs. Glamour Sweden 2019), Lyn Cruz (Mrs. Euro Filipinas International 2019) and Jennifer Berana Olsson (Ms. Euro Filipinas International 2019). Maraming, maraming salamat po!
Photography by Maria Ces Seidel for PILYA BLOG Magazine
Video by Michael Seka for MK Cypher Films London
ika-24 ng umuulang gabi ng Agosto`t pagbaba ko sa “Limo” ako’y nagmamabilis
nabasa na kasi ang aking “purr coat” at kalaban ko ang tubig-ulan gaya ng Gremlins
alam nyo bang huli na rin ng madiskubre kong may run ang aking black stockings
hubad tuloy ang aking mga binti gaya ng bagong talop na mangga’t “say no to varicose veins pls.“
sa kanang kamay niyaý bitbit ang kanyang “assorted” na ipamimigay o baon yata
kadalasan ang hilig nila`y tatak Pinoy Store na sitsirya’t para walang solian ng kandila
sanaý huwag mamuti ang nguso ng mananalo nang dahil sa asin beh beh buti nga
mayroon din kayang “bottom shaper” whether you like it or not pilitin mong magkasya
sa kaliwang kamay naman ay dala-dala ko ang aking itim na bago’t lumang maleta
ang sabi ni Guess akoý tamang tama sa oras “hello Sally Bollywood nandito ka rin pala”
ang sabi ni Guess akoý tamang tama sa oras “hello Sally Bollywood nandito ka rin pala”
3 inches ang taas ng aking “Ted Baker´s” kaya ko pang tumakbo´t sugurin ang daan
“I’m made up” at ang aking “Revlon Red Super Lustrous” ay nagmumura’t palaban
as usual at sa may pintuan pa lamang “malaglag daw sa pila´t” hmmm, medyo nakakangawit
bagamat ang kasuotan niya´y itim at naka mascara´t sayang at hindi siya marunong sumabit
wala rin sapot na lalabas sa kanyang mga kamay hindi ba gaya ni “Peter Piper” este “Parker”
ano kaya ang naghihintay sa amin sa loob nandun kaya si “Electro” o si “Regal Shocker?”
biglang bumulaga sa aking harapan ang isang lalaking ang buhok ay parang dinilaan ng baka
biro lang “Tancho” at ikaw ay mukhang kagalang-galang e ano ba ang iyong plataporma
hindi kaya siyaý magmamagandang loob na akoý tulungan mukha ba akong “damsel in distress“
“Ma’m singit ko sa bitbit nyo ang aking flyer” susmaryosep! nagpromote pa ng kanyang business
napa-upo ako “shagilid” (sa-harapan-medyo gilid) at may karatulang “Reserved for Tabulator“
akoý nag-iisang muli’t hindi kaya ang ibig sabihin nitoý “Reserved for Best Student in Math but Smelly-Odor?” (joke)
haha! well, if you smell me “Closer” by Halle Berry ang aking pabango`t… eh yun nga paki mo!
nagustuhan ko rin ang puwesto’t “Closer” sa entablado’t malapit sa fire exit in case of ano!
itoý isang palatuntunan at pinamumunuan nina Michelle at Thomas at isang kompetisyon ng mga kababaihan
ang punong abala`y sina Vangie at mga tauhan at kasama rin si Frederick bilang emcee at silaý mga propesyonal
translation: “anything goes” sa ganitong uri ng show at hindi sinasadya’t kung may makitaan man ng salawal
Inday bakit ka mahihiya? “oozing with lava confidence” at pakapalan ng magma ang sabi nga ni Taal
SWEEP OFF HER FEET. pagpasok nga niya’y hawak-hawak niya ang kanyang gown
mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilang dulo siyaý nakangiti’t malayo sa clown
habang winawalis niya ang kanyang gown sa stage parang nagsesend siya ng Morse Code
paputul-putol ang dating sanaý Smooth Operator ni Sade ang beat ng kanyang cat walk
KNOCK OUT. ito ang babaeng hindi ipinanganak na Cuneta’t pasan ang daigdig
nakataas ang mga balikat naka-arko ang mga kamay hihinto’t laging naka tagilid
mahaba ang slit ng kanyang gown at panay ang posing tila yata naluma si Angie Jolen-Pilit
the height of the stage is not parallel to Peeping Tom at nagbunyi ang lahat sa nasilip na paulit-ulit
TURN ON. noong araw ay hindi tipo ni Juan ang babaeng kangkarot o galawgaw
lumang istilo na raw iyan at sa kasalukuyang panahon ay mahal na rin ang lugaw
kung kumilos siyaý parang may nagpakawala ng isang daang langgam sa pagsasayaw
basta tama ka sa tiyempo’t walang patay-sindi na ilaw sino ba naman ako para umayaw?
WIN OVER. “pointing is a perfect timing” at silaý mga alerto’t relaxed sa ibabaw ng entablado
LOGIS! ang lakas ng kanilang palakpakan at hiyawan akala koý sa fire exit na ako tutungo
nayanig ang “arena” sa katuwaan at ang kanilang “manok” ay gustong manalo
binabati ko ang mga nagwagi’t sa mga naging “Tinola’t Sinampalukan” itoý mas higit na para sa inyo
by Mrs. Punk Rock Cielito
Paunawa: Ang mga larawang ito ay walang kinalaman sa kuwento ng may-akda. Kung may pagkakahawig man ito sa inyong pangalan, pook at pangyayari, ito`y kathang-isip, nagkataon po lamang at hindi sinasadya.


PILYA BLOG Magazine is currently working on the SUBENIR, exclusive for this event held on August 24, 2019 in Nalen, Stockholm, Sweden. For inquiries and more details, please contact Michelle Bausin.
The SUBENIR has 48 white pages and the COVER GIRLS are Michelle and the Winners/Title Holders. The photos from the pageant are not allowed for distribution. This is for your information please. THANK YOU VERY MUCH.
Sincerely yours, Maria Ces Seidel (a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito), photographer and Publisher of Pilya Blog Magazine in cooperation with
*Amparo Frissör & Massage Örebro and Karlsköga Michelle Massage Stockholm
*Amparo Källkvist, Director of Miss/Misses Glamour Sweden
*Amparo Modelling Agency Sweden