GUMAMELA UMBRELLA

magandang umaga bayan at nakaupo ako sa hapag kainan

bumangon na rin ako’t nadinig ko kasi ellah eh eh umuulan

heto’t nakaharap ako sa aming balkon at sa may salaminan

kitang-kita ko ang muta? este ang hampas ng hanging amihan


sumasayaw nga ba ellah eh eh ang mga bulaklak ng gumamela

sila’y nagchachacha sa Bocaue at ngayo’y sa tugtog ni Rihanna

ellah eh eh kamusmusan ko tuloy sa Sta.Ana kanan ay aking naalala

“plok plok” ang bagsak ng ulan at “kokorokok” ang manok ay naging tinola


hassle talaga’t kj naman O nakakatamad at ang ulan ay hindi tumitila

hanggang matutong magbasa ng komiks at isang Aliwan talaga

mabilis akong bumasa Nosa at ang paborito kong basahin ay si Zuma

ang berde’t kalbo na mama’t hari ng mga ahas at tatay ni Galema


my childhood bestie Sahlee ay laging naka-ponytail Ohshe is “Hotdog”

umagahan tanghalian at gabihan niya kasi’y laging kanin at hotdog

magkasundo kami sa maraming bagay ellah eh eh katulad ng Sanrio

siya si Twinkle Stars at ako si Melody at titser-titseran ang aming laro

pumitas ako ng dahon ng gumamela’t si Hohonday ay may subo pala

palibhasa siya’y matandang isip-bata halika’t maghanap tayo ng mutya

iyon bang puting bato’t nakatago sa loob ng buhanginang lupa

mapang-asar si Noli’t sarap ilubog din sa loob ng boteng may suka


kalokohan na ang mutya sa suka’y lumalaki’t pumuputi lamang

kasing puti ng mga ngipin ng dati kong kalaro na si Babylyn

sipain kita ng aking kung fu shoes ellah eh eh at nagtatatawa

si Neneng bungisngis at si Ana Leah ay magaling sa sungka


nakakasilaw din ang mga mapuputing binti ni Ate Jingjing

laging naka shorts ellah eh eh at sa sayawan siya’y magaling

dahil sa kanya kami’y nanalo sa simbahan “Stars on 45” at winner!

syatong! Itchie Brandy Sonny Ricky at Jojo! Let’s volt in! at Mazinger Z!


dinurog-durog ko ang mga dahon at nilubog at nilamutak sa tubig

kailangan ko iyong malapot na katas at madulas..iyon ang aking ibig

dapat kasing lapot ng si..si..si Sonny Pekto ay isang sipunin

kay hahaba ng kanyang pilikmata’t may malaking peklat at iyakin


alam nyo bang ang gumamela ay nagdudulot ng sobrang bula?

blow here at blow there O nakakapagpasaya ng kahit sinong bata

walang sawa nga kaming naghahabol ng mga bula’t parang mga bola

bubbles here at bubbles there palakihan at palayuan pa ang aming gawa


nakaupo pa rin ako’t nadidinig ko ellah eh eh ang tunog ng tubig sa labas

naliligo kami sa may poso nina Lisa’t sinasagasa ang tubig at ang lagaslas!

“tayo ng magswimming sa banyo!” ating takpan ang lagusan ng tubig ng damit

tayo ng magmeryenda sa tindahan ni Aling Tessie kahit siya’y medyo masungit 


tik-tak tik-tak ooops! alas siyete na pala’t makatayo na’t makapagkape

gagayahin ko iyong napanood kong komersyang Nescafe ella eh eh

kapag ganitong umuulan ang gusto kong kainin ay champorado’t biko

“pabili ng tira tira Aling Luz” uy! sina kambal Odie at Roger din pala’y nandito


Ito’y aking handog para sa aking mga kababata at mga kalaro sa Sta.Ana kanan, Pateros.

by: Mrs. Punk Rock Cielito

cesnewhair
Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito

Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2018

Theme: “Filipino” Wika ng Saliksik

buwan-ng-wika-2018-poster

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.” Source: The Summit Express

 

***PAG-IBIG AT RELASYON***

by Andrea Luna

Sabi ng marami, love makes the world go round.  Ang sarap kayang magmahal! Simple lang naman dapat, pero bakit ganun? Madalas, kesa hindi, masakit umibig?

Kung ako ang tatanungin nyo?  Ano nga ba ang tingin ko sa pag-ibig at relasyon?

It’s complicated!

Mapa-single ka, may bf/gf o asawa.  May katuwang ka man o wala.

It’s complicated!

Pero may mga klase ng pag-ibig at relasyon na mas kumplikado kung ihahambing natin sa iba.  Madalas pag-usapan, pag-bulung-bulungan o pag-tsismisan. Ano nga ba ang nahihita ng mga tao na pumapasok sa kumplikadong relasyon?  Ang hirap intindihan minsan, pero aminin nyo, masarap syang pag-usapan.

Umpisahan natin sa KABIT at tingnan natin si Elena.

Lumaking babaero ang ama.  Madalas makitang umiiyak ang ina.  Madalas din mag-away ang mga magulang nya.  Papalit-palit ng babae. Paulit-ulit na taghoy sa magdamag.  

Wala ng bago sa istoryang ito.  Marami sa ating mga Pilipino ang kinalakihan o may kakilalang pamilyang tulad ng sa kanya.  

In short, galit si Elena sa kabit.  Mga maninira ng pamilya. Mukhang pera.  Malandi.

Pero ng tumuntong ng ibang bansa para maghanapbuhay, inabot sya ng lungkot. Tinamaan ng matinding homesickness.  

Nakakilala ng lalaking nagpanggap na binata. Umibig. Naanakan.

Si Elena.  Edukado at may magandang pinag-aralan.  May maayos na trabaho at malapit sa Diyos.  

Siya, na matindi ang galit sa mga kabit.  Naging katulad nila.

Ang saklap di ba?

Pero may mas masakit kesa maloko ng lalaking minahal.  Ito ay ng kinakailangan na nyang aminin sa kanyang ina ang kinahinatnan niya sa ibang bansa.  

Ang ina ni Elena. Siya, na biktima ng panloloko ng kanyang asawa.  Siya na paulit-ulit na nanunugod ng iba’t ibang kabit. Ngayon, ay napilitang protektahan ang anak sa tunay na asawa ng kasintahan nito.  

Bilog daw ang mundo.  Si Elena daw ang karma ng tatay nya.

Pero hindi maubos ang mga bakit sa isipan nya.  Bakit ganun? Ano ba ang naging kasalanan nya?

Aaah.  Umibig kasi siya.  Nagtiwala. Nagpaubaya.

Matagal na ang mga pangyayaring ito.  Tapos na. Maayos na silang mag-ina.

Pero may mahalagang natutunan si Elena.  Hindi naman pala lahat ng kabit, masama. Hindi rin lahat ay may balak mang-agaw ng asawa.  Hindi lahat gustong manira ng pamilya. Minsan, mapagiro lang talaga ang tadhana.

Sa bawat komplikadong relasyon, may istorya.  Hindi laging klaro, hindi laging may bida at kontrabida.

It’s Complicated nga di ba?

Maraming, maraming salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.