CIELITO’S ZODIAC

GOS6

Thank you very much to our good friend and Sponsor of Pilya Blog Magazine, Nene Jocelyn.  Sending our love with hugs and kisses.

HOROSCOPE ang kinawiwilihang basahin at isa rin hobby

daily or weekly at katuwaan lang ito’t walang nagmamay-ari

interesting ito para sa akin at ako nga’y gumawa ng aking sarili

bahala na kayo sa posisyon ng araw buwan at bituin are you ready?

IMG_9954

Cheers, lovely ladies in the house.

ARIES March 21-April 19

hindi na niya kailangan daw sa iyo’y ipaalam

naman! huwag kang mahina sa pakiramdam

iyang kaharap mo ngayon ay may dinaramdam

wala siyang lagnat! sakit sa bulsa! parapapampam!

IMG_9959

Mr. Tony struts his funky stuff. Love it!

TAURUS April 20-May 20

siyanga ba’t ikaw daw ay likas na matigas ang ulo

sige nga subukan mong iuntog sa pader ang iyong ulo

kapag nabasa mo pa ang kasunod na sinulat ko

mabuhay ka! ligtas ka’t hindi ka naman uto-uto!

IMG_9910

Emma and Kris

GEMINI May 21-June 20

kayo ay bestfriends at parang magkapatid ang gusto’y iisa

magbabakasyon siya’t huwag ka ng umarteng ikaw ay balisa

grabe ang tulo ng iyong pawis sa kasusukat ng mga damit niya

malas mo lang wala sa iyong magkasya’t dapat lang magreduce ka!

IMG_9811

The Total Performer, Fr. Dino.

CANCER June 21-July 22

iwasan mong makipag-argumento sa iyong kapwa

madaming ganyan na mga taong may utak-talangka

gawin mo siyang ulam at sipsipin ang kanyang taba

lunurin mo pa sa sukang may asin sili’t paminta!

IMG_9876LEO July 23-August 22

sabihin mo sa kanila “ang utos ng hari ay di mababali”

ikaw ang nasa puwesto’t ipakita mong hindi ka mali

siguraduhin mo lang ang iyong slogan ay hindi kadiri

“sa bukid ay walang papel ikiskis mo kay Pilar” hehe uy, kunwari!

IMG_9855VIRGO August 23-Sept.22

naku! mag-iingat ka sa iyong Prince Charming

akala mo lang akala mo lang pero ito’y warning

may naglalaro sa kanyang isipan at kaya siya malambing

papayag ka ba? tange! uutang siya’t huwag kang assuming!

IMG_9970

Edith and Ms. Heide

LIBRA September 23-October 22

maraming humahanga sa iyong pagiging balanse

ikaw ay kinatatakutan at wala sa iyong nang-oonse

walang masamang maging kriminal at sila’y peste

unahin ang lamok isunod ang ipis at ihuli ang daga yipee!

IMG_9968

Manang Marcelina

SCORPIO Oct.23-Nov.21

maniwala ka man o hindi sa isang sabi-sabi

nakakalason daw pagsabayin ang hipon at Vitamin C

pagsabayin mo na lang kainin ay siopao at mami

ligtas ka pa sa arsenic poisoning O bili ka na suki!

IMG_9857

Ladies and Duchil of Malaya Balikbayan Box

SAGITTARIUS Nov.22-Dec.21

huwag ka ng mauulit na sumakay sa kanyang biro

sino pa? iyang katrabaho mo’y sadyang pilosopo

hindi mo ba nahahalatang siya’y may ngiting aso?

hindi lang iyan may pagkahambog pa eekfeeling gwapo!

IMG_9955

Leah and her man

CAPRICORN Dec.22-Jan.19

salamin, salamin panahon na para ikaw ay bumili ng bago

luma na’t may lamat hindi na maganda ang iyong anyo

malas daw ang may basag at bigay ba iyan ng syota mo?

palitan mo na rin at mukhang mas may “k” iyan kadate mo

IMG_9875

We can feel it too, ladies! Love those expressions.

AQUARIUS Jan.20-Feb.18

kung ikaw ay may natural na talento’y ipakita mo sa mundo

maaaring sa iyo’y may humahanga’t ikaw ay hindi ordinaryo

katulad mo’y isang obra maestra’t maaari ka sa perya o sa museo

mangarap ka! balang araw ikaw ay sisikat at itaas ang iyong noo

 

IMG_9856

Special thanks to Ms. Tessie and Ms. Marilyn. You’re all Pilyamazing!

PISCES Feb.19-March 20

talasan mo ang iyong amoy O hindi ba’t “amoy malansa”?

saan ka ba nanggagaling at nahuhuli ka na sa balita?

lumabas ka nga sa iyong kuweba’t magpa-araw ka

ang araw ay nagdudulot ng enerhiya’t baka lumaki ka pa.

Paunawa: Ang mga litrato’y pag-aari ni Ces Seidel at ang mga ito’y walang kinalaman sa tula ng may-akda. Ito’y katuwaan lamang at pawang kathang-isip lamang. Maraming, maraming salamat po. 

Plus

GOS3

On July 15, 2017, Pilya Blog Magazine joined the 2nd Year Anniversary Celebration of God Our Savior Catholic Augsburg Group. Thank you very much for the friendship and Congratulations to all. We had so much fun and looking forward to see you all again. Special thanks to Ms. Janice Hofmann for the invitation.  This event will be published (with more photos) with Pilya Blog Magazine for the next issue, Sept/Oct 2017.

GOS2

How graceful they dance! Love it!

MARIABIRTHDAY

Happy Birthday, Maria Knoepfle! May you have more birthdays to come because you’re a Pilyamazing dancer too! Cheers! (Photo courtesy of Maria from her fb account.)

ELVIEBIRTHDAY (1)

Happy 50th Birthday, Elvie! May you have more birthdays to come. Many thanks, ladies and looking forward to see you again.