ang layo naman ng “Meitingen” sa “Mertingen” subalit ako pa rin sa tren ay bumaba
malaki ang agwat pala ng distanya’t kaysa sa inakala kong “i” sa “r” sa ating abakada
sila’y aking nasalubong at binati ko agad ng Tagalog ngunit sila’y taga-Indonesia pala
ako’y napanganga sa isa’t sinimulan na niya akong kuwentuhan ng kwela
kung siya’y ngumiti’t magsalita’t kumilos ay talagang katulad Niya
sa kanya’y magaan agad ang aking loob at nang ako’y nagpaalam ay niyakap ko siya
ako’y natutuwa’t nayakap ko siyang muli’t ikaw nga ba iyan? ikaw nga ba, Joanne?
isang magandang pagkakataon kahit ang paglalakbay ko’y nabalam at hindi ko makalimutan
halika’t magbihis ka’t sumama ka sa akin ngayon din
doon tayo sa JBR pupunta’t mayroon tayong susugurin
huwag kang mag-alala’t “SAGOT KITA” at wala kang iintindihin
ikaw ay aking pampalakas ng loob kung tama man o mali ang aking gagawin
habang kami’y nakasakay sa taksi ay gayon na lamang ang aming praktis
“sigurado ka ba? ako, ok lang naman” ang sabi niya’t isa siyang palaban na tsiks
pinagtawan namin ang puno’t dulo at ang diin ng aking “it’s my call”
pasado alas onse na ng gabi’t masama ang aking loob at nangangamoy trobol
“naku! nakailang doorbell na tayo’t wala naman yatang tao”
“sandali’t huwag kang mag-ingay at susubukan ko namang kumatok”
“aruy! ang mama’y wala nga sa loob at mabuti pang tawagan mo na kasi”
“nakakailang maghintay dito sa labas at baka mapagkamalan pa tayong ewan, Ate”
kami nga’y bumabang muli sa building na iyon ngunit kami’y naupo sa parking muna
malalim na ang gabi’t mainit pa rin at kunwari’y nagbibilang kami ng bituin
nagkuwentuhan kami ng ibang paksa’t nakalimutan namin ang aming pakay
hanggang siya’y tumayo’t pupuntahan daw niya ang guwardiya sa loob sandali
pagkaraan ng ilang minuto’y tawa siya ng tawa habang siya’y lumalapit sa akin
“alam mo ba ang ginawa ko’t inusisa ko na ang guwardiya para sa iyo”
“mayroon kasing guest list at nakasulat doon ang naglalabas masok sa kanyang flat”
“nakalista lamang doon ay laundry service, cleaner at iyon lang naman daw pala”
ang labis na ikinatuwa ko’y tinanong daw siya ng guwardiya kung sino siya
“ako’y kaibigang matalik ng kanyang “asawa” at hinihintay namin siya”
“sigurado ka bang walang ibang babaeng nagpupunta rito o kasa-kasama niya?”
“pasensya na Ma’m hindi ako 24 oras na nakapuwesto dito ngunit wala talaga akong nakikita”
biglang tumunog ang aking mobile at ang aking pakay ang nasa kabilang linya
tiyak na ngang wala siya sa kanyang flat at siya raw ay papauwi na’t ako’y maghintay
ngunit hindi niya nagustuhan nang sabihin kong kasama ko ang aking mahal na kaibigan
“sige na’t uuwi na lamang ako Ate at bukas na lamang tayo magkuwentuhan”
siya’y madali kong napapayag na sumama sa akin nang walang dahilan
siya’y kasama kong dumating at marapat lamang na kasama ko rin umuwi’t lumisan
siya’y matiyagang naghintay sa meron man o wala’t kahit maraming lamok ang kumakagat
“hindi! halika na’t tayo nang umuwi’t kami’y patas na’t papatayan ko rin siya ng mobile, lekat!”
Plus
Philippine Cultural Group Bayern, PCGB’s 3rd Year Valentine’s Day Celebration and Search for Mrs. PCGB Valentine & Mrs. PCGB Charity 2017 on Feb. 18. 2017 in Alte Brauerei, Mertingen
LET’S FALL IN LOVE. Pilya Blog Magazine joined the Philippine Cultural Group Bayern on their 3rd Year Valentine’s Day Celebration and Search for Mrs. PCGB Valentine & Mrs. PCGB Charity 2017 on Feb. 18, 2017 in Alte Brauerei, Mertingen. It was a night of love, fun and friendship. That was really PILYAMAZING!
Congratulations to the Officers and Members of PCGB. Thank you very much for your warm reception. Mabuhay kayong lahat. You’re all PILYAMAZING!
The “Bilao Dance”
The “Candle Dance-Santana”
The PILYAMAZING Candidates and Winners of Mrs. PCGB Valentine & Mrs. PCGB Charity 2017. From left:
- Mary Therese Dorothy Lopez, 16 yrs. old from Agusan del Norte, Butuan City, “Best in Smile” and “Best in Swimsuit”
- Jocelyn Rivera, 46 yrs. old from Naga, Cebu- “Best in Catwalk” and ” Mrs. PCGB Valentine 2017, 2nd runner-up”
- Cresilda Gentner from Argao, Cebu- “Best in Hairstyle”
- Leah Stuhlmüller, 47 yrs. old from Antipolo Rizal, Manila- “Best in Sportswear”
- Stella Maier, 36 yrs. old from Boracay Island- “Mrs. PCGB Valentine 2017, 1st runner-up”
- Luci Velasco, 50 yrs. old from Bulacan- “Darling of the Crowd” and “Mrs. PCGB Charity 2017, 1st runner-up”
- Tessie Centeno Kraus, 60 yrs. old from Cavite-“”Most Charming” and Mrs. PCGB Charity 2017, 2nd runner-up”
The Candidates of Mrs. PCGB Valentine & Mrs. PCGB Charity 2017 paraded with their Filipiniana dresses. Stella Maier wore a bright yellow gown and stood out as the “Best in Filipiniana Dress.”
Cresilda Gentner wore a sparkly beaded dark gown and won the “Best in Long Gown”.
Thank you for your selfies with Pilya Blog Magazine. Thank you very much to our Sponsor, Tita Mila Antony of MA Transworld GmbH Money Transfer for my hotel stay in Alte Brauerei, Mertingen. You’re all PILYAMAZING!
Thank you for your selfies with Pilya Blog Magazine. Thank you very much, Mr. & Mrs. Bellie Kirschner of Kirschner Reisen, Ms. Verginia Schoch of Silayan Bavaria e.V. Special thanks to our dear friend and subscriber, Ms. Babie Kolb. Mabuhay kayong lahat! You’re all PILYAMAZING too!
Leah Stuhlmüller from Westerndorf-Meitingen won the title of “Mrs. PCGB Charity 2017” and Cresilda Gentner from Gerstetten-Heidenheim won the title of “Mrs. PCGB Valentine 2017”. Leah and Cresilda received a trophy, medal and gifts from Ms. Catherine Brenner of Fil ‘Ger Gala Night 2017 and Ces Seidel, the Publisher of Pilya Blog Magazine. They will both grace the COVER PHOTO of Pilya Blog Magazine’s March 2017 “LABING KUTKUTIN”. Congratulations, ladies and Thank you very much, Ms. Brenner. You’re all PILYAMAZING!
Congratulations and Thank you very much, Ms. Janice Hofmann, the Coordinator of Philippine Cultural Bayern Group (PCGB) and God Our Savior Catholic Augsburg. Thank you for choosing to be published with Pilya Blog Magazine. You’re PILYAMAZING too! It is our great pleasure and honor to serve you and your groups. Maraming, maraming salamat po.
Paunawa sa aking mambabasa: Ang mga litratong ito’y tunay na pag-aari ni Ces Seidel para sa Pilya Blog Magazine. Ito’y hindi maaaring kopyahin at ipost sa facebook nang walang pahintulot sa may-ari. Ang iba pang mga litrato’t pangyayari gaya ng “Sports, Bikini Competition, Awardings atbp.” ay mababasa’t malalathala lamang sa Pilya Blog Magazine sa darating na unang linggo ng Marso 2017. Ang buong blog na ito’y maaari ninyong ibahagi sa inyong mga pamilya’t kaibigan. Maraming, maraming salamat po.
Like this:
Like Loading...
Related
Published by
Mrs. Punk Rock Cielito
I write a blog about Filipino Life in Tagalog poetry. It is all about real life's experiences. It is all about fun and freedom of expression.
View all posts by Mrs. Punk Rock Cielito