NEW NEW NEW

“SPIKE” Misch Masch is available in April 2022 by ONLINE SUBSCRIPTION.
THE TALES FROM THE WOODS. My first book, #EBIGAN is now, 12 Euro (mit Versand within Germany only). This is a compilation of my poems from childhood, college years and adult life as a Filipino with photo memories. It includes #EBIGAN,the same title of my blog about the kinds of friends in social media,”Loads of Bananas”(Pinoy Jeepney),”Que Dios Te Bentiga”(Black Nazarene of Quiapo)”My Pecking Order”(Litsong Manok) and many others. It is Medium(A5) Hardcover with 96 white pages of unique Tagalog poems. The books are only available in Germany.

#EBIGAN by Mrs. Punk Rock Cielito
#EBIGAN book. A compilation of personal poems of Mrs. Punk Rock Cielito. It is written in Tagalog. It is published in 2017 in Bayern, Germany.
€12.00

My first. My joy. My pride.
panahong ng tag-lamig at sa kasukalan ng gubat ay dito ako madalas mag-inat
patutunugin ang aking mga buto’t sa mga puno’y bahagyang lumalapat
lumalanghap ng sariwang hangin at lumalakad habang ang mga paa’y mabigat
hinahampas ang mga dahon at gamit ko’y ang napulot kong patpat
patong patong ang aking suot at talagang makapal at ako’y giniginaw
kinikiskis ang aking mga palad at ang aking mga kamay ay mapusyaw
nagmamadaling inumin ang kapeng baon at mainit sa tasa’y umaapaw
naibsan man ang ginaw at nainitan ang sikmura ngunit may nginig sa aking balintataw
ang kape’y nakakapapagpainit ng katawan at halika’t sandali
ngunit hindi ng aking damdaming Pinay O nasaan na ang aking kakayahan pati
wari ko’y may kulang at ang mga ibon sa aking paligid ay walang tigil sa paghuni
bahagya akong nilingon ng mga usa at ako’y nakapag-isip ng mabuti

This is my best time in the woods. I love it!
dito nga sa gitna ng gubat ako’y unang nakapag-isip ng maisusulat
ang mga puno’t dahon at ang mga insekto’t ibon ang aking mga miron at ako’y namulat
ang aking mga karanasan bilang isang Pinay ang aking ibig at parang may gayumang may talab
paiba-iba man ang panahon ngayo’y ang aking puso’t damdamin ay nag-aalab

sa loob nga ng mahigit na isang taon ay nagbunga ang aming pag-uulayaw
kakaibang mga ideya ang dulot “GUMAMELA UMBRELLA” at ng mga dahong sumasayaw
ang mga puno “Carla’s Tree” ,ang mga palaka “Jumping Kokak”, at “13 Roses” ako’y natitinik
ang paghaharutan namin ng mga ibon “Bird Stories” at sa S.E.L.F.I.E.” ako’y nasasabik

ipinagmamalaki!heto na ang aking unang aklat!
naku!nauna na itong langaw magbasa’t lumapat
ayon kay “Cielito’s Zodiac” ang araw ko ngayo’y sisikat
kayo’y aking aaliwin at pangingitiin at ito’y patungkol sa ating buhay lahat!
“LIBRO,LIBRO,BILI NA KAYO NG LIBRO! SUKI,BABALUTIN KO NA BA’T
GUSTO MO MAYROON PANG LASO?”
*************************************

#EBIGAN by Mrs. Punk Rock Cielito
#EBIGAN book. A compilation of personal poems of Mrs. Punk Rock Cielito. It is written in Tagalog. It is published in 2017 in Bayernj, Germany.
€12.00


(e)F+B(e)+(GAN)230 ——–>(e)+B(e)+(GAN)560
hindi naman siguro arithmetic (e)quation at papasa kayang maging chemical (e)quation
ano nga ba ang (e) at ito ba’y chemical reaction bagamat hindi (e)xplorer ay may mass-(e)nergy reaction
susuruin natin ang (e)lectronic configuration at may (e)lectron transport chain at mass-invasion
may (e)lectronegative elements at (e)xploitation at sila’y rapidly incr(e)asing among the (e)population
katulad ng hindi ko inaasahan siya’y bumulaga sa aking harapan
hindi lang para ako’y kumustahin kung hindi imulat din ako sa katotohanan
isang matalino’t sampung taong gulang na bata at ang pangalan ay Ethan
siya raw ay hindi pa makapag (e)F+B(e) pero kami raw ay (e)BIGAN
ang pangarap ni Ethan ay maging scientist bagamat hindi masyadong nakakakita
masayahin siyang bata’t mahilig mag-imbento at natutuwa siya sa aking tula
katulad ko ba’y si “Iron Man” ng sabihin niyang kami’y magkasangga
hindi kita mabibigyan ng bagong laboratoryo, Ethan ngunit tayo’y magka(e)BIGAN na
#EBIGAN, do you know why? BECAUSE WE ARE CONNECTED.
