“I love sunrise and sunset. It reminds me that as long as we breathe, there is hope. And as long as I can appreciate beauty, there is love. And as long as I have faith and can wait for the day and night to come, I have patience in me. It reminds me of YOU. ” Photography by Maria Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito, in Calpe, Spain.
Echoes In My Mind
mahigpit ang pagkakalapat ng iyong mga kamay
sobrang higpit at nagagalit ka´t nagkasabay-sabay
“kapag pinukol ka ng batoý pukulin mo ng tinapay”
pagka-isipin iyan sana´t ang dapat nating gabay
titingin ka sa ibaba´t itataas muli ang iyong tingin
sa araw-araw gabi-gabiý madami kang dapat isipin
may mga bagay at may mga taong di ka dapat paalipin
kung ikaw ay nagmamahal ay mas higit ang sarili ang mahalin
hay! ganung kalalim nga lang ang iyong buntong-hininga
ikaw ang klase ng taong hindi basta nagpapahinga
kahit may lagnat ubot at sipon ay laging sumisinga
silang mga kilala mong may sakit ay wag ng lumala O sana nga
napapikit ka ng madiin at tumutulo ang iyong luha
nahahabag ka sa sarili at pakiramdam mo`y ikaw ay kawawa
masakit at para kang nasaksak o nakatapak ng nagbabaga
nagsusumbong kang hindi ka nila pinapansin o inaalala
ilang minuto o oras ka na bang nakaupo´t nkapikit sa kawalan
sabihin mo´t nagluluwag na ba ang iyong nararamdaman?
nabanggit mo na silang lahat pati na rin ang iyong kalaban
ipinagtapat mo na ang lahat-lahat ng nasa iyong kalooban
pipilitin mo ngayon ang iyong sarili´t bago ka man lang sana umalis
naghihintay ka ng bulong o baka sumenyas sana ng kwitis
maaaring ngayon na ang solusyon O bakit ka ba magmamabilis?
natuyo man ang luha pero hindi ang noo mong nagpapawis
napaupo ka na´t nakakangawit na´t gusto mo na sanang wakasan
napansin mong dumadami na ang mga tao sa iyong harapan
dumating kang maingay at madaming mga batang binibinyagan
papaalis ka na´t may mga nakaitim at mga taong nag-iiyakan
gaano katagal kang nakaluhod at bumubulong ng taimtim
pakiwari moý maigsing oras lang ang iyong paninimdim
iyon at iyon din kasi ang iyong hinihiling at biglang nagdilim
dadaan ka pa sa palengke´t magluluto sa gabi ng patatim
naglalakad ka ng palabas ay lumilingon ka pa
sigurado bang wala kang naiwan pa
payong o ang panyolito mong dala-dala
ginamit mo at pinunas sa mga paa Niya
sa bawat hakbang ay gusto mong bumilang isa…dalawa…
malapit ka na nga sa pinto`t para pa rin may nawawala
nag-isip ka saglit at kinapa mong mabuti ang iyong bulsa
naisip mo na sa dami ng iyong sinabi`y Ay! oo nga pala
NAKALIMUTAN MONG MAGPASALAMAT SA KANYA!
by MRS. PUNK ROCK CIELITO #EBIGAN BOOK

⭐️MY PERSONAL TIPS ON HOW TO TAKE A GOOD SELFIE. 📸🖤📸1. Better to take selfies in the morning, ladies. Our face is clean, make up is fresh and your hair is…whatever!
2. Know your right angle. Hold your phone a little bit above you, it is more flattering.
3. Natural lighting is the best. Have a natural sunlight. Avoid shadows.
And lastly, for me, these DO NOT matter:
-To smile or not…it is always your choice. Whatever happens, take responsibility.
-Less or more selfies…it is your phone not mine. As for your audience, eyes are never quiet.
– With filter or not…who cares? But do not use filter or app that will bother you later.
***SELFIES ARE SELFIES. JUST DO IT. BE YOURSELF.***
That’s really Pilyamazing! SUBSCRIBE NOW! Tangkilikin po natin ang sariling atin. Maraming salamat po.