BIRD STORIES

Now is the time to read without missing home. On April 6, 2019, PILYA BLOG Magazine joined the Charity Gala Night of Estrella Grote Entertainment and the Search for Miss Young Phil Asia, Phil Asia Besuty, Sexy XL & Golden Lady and Hamburg Germany, Imelda Marcos Look-alike Hamburg 2019. Photography by Maria Ces Seidel

hay nandito na ako sa loob at gusto ko ng matulog

nakakapagod at ang ulo ko’y kakalog-kalog

iyon kasing mga anak at mga apo kong matatayog

nagkasayahan kagabi’t ako’y napayugyog

Tatang alin nga ba ang nauna “ang itlog o manok”

apo iyan ay paulit-ulit na drama ng itlog at manok

may salu-salo at nagluto sila ng pancit luglug

naku! kaunting oras lang din ang aking itinulog

65 anyos na ako’t teka ano ba itong aking silya

maliit ang suka’t mukhang di yata ako kasya

antok na ako’t dito kaya’y pwede akong humilata

makapagtanong nga kay Neneng pagdaan mamaya

sa itaas ay may naka drawing O bakit kaya may sinturon

aha! alam ko na buti na lang mahigpit ang aking pantalon

gamit ko rin ay suspender at di ko na siguro kailangan iyon

tingnan mo nga naman at sigarilyo rin pala ay meron

nagdaan itong ale’t kung lumakad ay parang pato pala

makapagbasa nga muna at abala pa ang iba

ang mahal! meron kayang bumili ng mga tinda nila

mas masarap ang aking pasalubong daing at tinapa

tumataas ang aking balahibo’t tila lumalamig na yata

itong bitbit kong jacket ay tamang-tama

bigay ito ni Utoy iyong anak kong seaman

isuot mo iyan Tatang kanyang kabilin-bilinan

itong katabi kong mama’y mukhang kontrabida sa pelikula

parang loro ang ilong at matapang ang mukha

nakupo! masinsin din ang kanyang amoy pala

gusto kong bumahin hatsing! uy! umilag siya

nakakainip din pala’t ano pa kaya ang hinihintay nila

para silang mga itik sa Kalawaan at ako’y nasasabik na

wag sanang umatake dito ang aking rayuma

at ang mga binti ko’t mga paa ay nangangalay na

“Tatang, musta ka na?” sabay halik ng aking anak na panganay

naku! ang kyut naman ng aking apo’t para siyang inakay

tayu-tayo ang buhok at mapupula ang mga pisngi

hawig din sa akin pero mas kamukha ng kanyang Daddy

THE CANDIDATES OF Golden Lady Beauty Queen Hamburg 2019 Best in Stewardess Costume Competition

“Sir, pakilagay po iyong seat belt nyo” huh? si Neneng

panaginip lang pala’t akala ko ako’y nandun na sa Wyoming

pasensya na Neneng at unang lipad ko ito sa eroplano

gayong di ako marunong nasan nga ba iyong sinturon?

THE CANDIDATES OF Sexy XL Beauty Queen Hamburg 2019 Best in Stewardess Costume Competition

by Mrs. Punk Rock Cielito

BIRD STORIES is written by Maria Ces Seidel a.k.a. Mrs.Punk Rock Cielito

This is included in our April 2019 issue, TINAMAAN KA NG MAGALING FRÜHLING, April 2019 issue

Abangan! It’s coming soon! That’s really Pilyamazing! HAPPY HOLY WEEK, FOLKS! Maraming, maraming salamat po!

Categories: LIFESTYLE

Tagged as:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.