
LENT BEGINS: ASH WEDNESDAY. At the Chapel of Schloss of Johannisburg Aschaffenburg in Bavaria, Germany. “B L A C K” is written by Maria Ces Seidel, a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito.
kung bakit ba sa ibang araw ay ayaw mo man lang madungisan
ang ala-ala ng kagipitan at kabaliwan ay ibig makalimutan
naging pasan mo nga ba ang daigdig nang dahil sa kahirapan
taglay mo na ang pagbabago ngunit paulit-ulit pa rin ang nakaraan
bago tayo magtanggal ng dumi ng iba, pansinin muna natin ang ating sarili
ito ang nagpapaalala sa ating tayo’y tao lamang at ang pagiging mali-mali’y nakakawili
walang simunang perpektong nilalang at nang dahil sa pag-ibig ay nagbubulag-bulagan
kung pupukulin ka ng bato’y tinapay ang iganti mo’t ang latik na palaman ay huwag kalimutan
hindi nga ba “uling” ang sa “pagluluto” mo’y kinakailangan
paano magpabaga ng “uling” at “magliyab ng apoy” nang mabilisan
sa paggamit ng “uling” ang lahat ay hindi maaaring “marumihan”
ang lahat ng ito’y magiging abo’t hahantong din sa kawalan
magpapapahid ka ng uling dahil tanggap mong ikaw ay narumihan
ang ala-ala ng ating matinding kahirapan ay Kanyang pinapasan
ang “uling” ang magtutulak sa ating magsumikap at humanap ng “bagong kalan”
ito ang magpapaalala sa ating mahalin ang buhay sa lupa sapagkat ito’y may hangganan
by Mrs. Punk Rock Cielito
Thank you very much to our Sponsors
TARA NA NGAYONG MAHAL NA ARAW DOON SA BAHAY KUBO SA MINDORO. RENT THIS “Bahay Kubo” in Tacligan, Mindoro Oriental, Philippines, 2 bedroom holiday rental with air conditioning for 50 Euro/night. Maximum: 4 persons. It is 23 km away, approx. 30 minutes from Puerto Galera with pick-up and drop service to and from the port. It is now readily available for daily/weekly/monthly rental basis. Please contact Gilda Mueller, Owner, for your booking and reservation. Mobile: +49 (0) 151 19423931 Address: Hopfengartenweg 3 89233 Neu-Ulm