
On February 23, 2019 PILYA BLOG Magazine joined the Fastnacht 2019 of Sacred Heart Dt-Phil Christliche Gemeinschaft Aschaffenburg-Untermain e. V.. in Hösbach. It was a night of so much fun, colors and new friendships. This event will be included in our “TINAMAAN KA NG MAGALING, FRÜHLING!” April 2019 issue. That”s really Pilyamazing! Photography by Maria Ces Seidel. MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!
nakatayo nga akong muli dito sa may tulay
nakatitig sa dati bakit kaya sadyang walang kulay
walang tubig ngunit malalim naman ang hukay
bakas ang pinagdaanan ng tubig at umapaw pati sa tulay
dati-rati’y dito ako madalas nagpapalipas ng oras
kapag pakiramdam ko’y kinakapos ako ng lakas
humihinga ako nang malalim at sa mga tao’y umiiwas
gusto ko kasing mapag-isa’t sa kahoy ay humahampas
ako’y nangibang bayan lamang ngunit patuloy pa rin
paggising ko sa umaga’y lagi kang nagpapa-alala sa akin
nagsilbi kang inspirasyon sa aking mga hangarin
sana’y makapiling kang muli gaya ng iyong bilin
bagamat milya-milya ang ating layo sa isa’t-isa
hindi rin ako nawalan ng kahit katiting na pag-asa
sa araw-araw ay kausap ka’t pareho tayong masaya
subalit dumating ang sandaling bumibigat ang ating dala
nasaktan ako ng labis sa iyong nabigong mga pangako
lagi kitang hinihintay at talagang ako’y nasasabik sa iyo
madali kang bumigay at nakinig ka sa payo ng ibang tao
ako’y hindi naman nagbago’t ako sana’y pinakinggan mo
saan nga ba tayo nagkulang o ako ba’y sadyang nagkamali
tinapos ko nga ang ating relasyon at ako yata’y nagmadali
sa bandang huli’y labis talaga ang aking pagsisisi
ngunit lumayo ka na’t hindi mo na ako binalikan muli
ang tulay na ito ang tangi kong naging saksi
sa ating pagmamahalan ng walang pasubali
dito ako’y nagtatatalon sa tuwa’t nag-iiyak pati
ito’y naging aking matalik na kaibigang pipi
nagbabalik sa aking ala-ala ang bawat sandali
ang aking nakaraan at isang tunay na pangyayari
sa aking pakikinig ng awiting ito’y ako’y nabighani
napatingin ako sa ulap at parang may kumurot pati
sige na’t ipipikit kong muli ang aking mga mata
umihip ang hangin at tinangay muli ang iyong mukha
nang dumilat akong muli sa ulap nga’y naglaho ka
lumiwanag muli’t ang araw ay nagbigay init at sigla
by Mrs. Punk Rock Cielito

BRIDGING THE GAP is written by Maria Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito. “Bridging The Gap” is included in her first book, #EBIGAN
MARAMING, MARAMING SALAMAT PO! You’re all Pilyamazing!
WILL YOU STILL LOVE ME TOMORROW? by Pau Tiru Kirchner. She’s really Pilyamazing! For bookings,pls.contact her directly.
Categories: LIFESTYLE