CHEEK TO CHEEK

 

IMG_1118
STYLE ALA MOULIN ROUGE. On Nov. 25, 3017, Pilya Blog Magazine joined EuroPhil Germany e.V on their Charity Abend 2017. Congratulations to our client, Ms. Virginia Süssner, Mrs. EuroPhil Charity 2017. 🦋 Congratulations to Merian Reglos and EuroPhil Germany e.V. 🦋Congratulations to all sassy Candidates and Winners. YOU ARE ALL PILYAMAZING! This event is to be included in our THE LOVE ISSUE in February 2018. Maraming, maraming salamat po! Photos courtesy of Ces Seidel. 

IMG_1052

IMG_1063

aray! ano ba’t tila ako’y bahagyang nahagip
sa pisngi ang tama kasi naman ako’y naidlip
magkaganun man bigla tuloy akong nakapag-isip
teka bakit maalinsangan yata’t dito’y sumikip

IMG_1087

IMG_1059

naku! sa pagkaka-upo natin dito’y para tayong sardinas
555 kay hirap Ligo-Ligo ay ating Master na dinaranas
nababatid ko sa kanilang mga mukha ang pagkabanas
pawisan ang lahat masusubok ngayon ang gamit kong tawas

IMG_1093

IMG_1072

hindi basta makakibo’t maliit mahigpit ang aking puwesto
buti na lang ako’y walang sipon ngunit may kaunting ubo
napapatingin sa akin ang mga barako’t pinandidirihan siguro ako
inyo na ang virus hatsing! ano ba iyan matapang ang kanilang pabango

IMG_1076

isang oras na lang at makikita kong muli ang mahal kong si Chiki
masisilayan kong muli ang kanyang mapupula’t mabibilog na pisngi
ang sabi ni tatang magkakaroon na ako ng madaming Chiki-ting
yehey! epektibo ang aking pag-aalaga’t pinag-aralang hog raising

IMG_1070

IMG_1098

hindi ko magawang umidlip at laging “pakiabot” kapag nagbabayaran
napaupo ako sa ika-pito’t likuran ng tsuper kita ko ang kanyang bumbunan
dapat lang siguro’y kaunti lang ibayad ko’t kalahating puwit lamang
biglang preno’t ang pisngi ko’y napadikit sa katabi kong aleng matapang

IMG_1058

IMG_1080

pasensiya na po naku! siya pa ang may karapatang umismid
nagaspangan siguro sa aking pisngi’t nanggagalaiti ang litid
bagong ahit pa nga ako siya nga itong madaming tigidig
may nunal pa siya sa daluyan ng luha tsk! kamalas sa pag-ibig

IMG_1074

IMG_1064

naalala ko tuloy ang dati kong kasintahang si Bienvenida alyas Betchay
ganun na lang ang tanggi ni Inay nang dalhin ko siya sa aming maralitang bahay
“anak kabata mo pa para mawala sa mundo sa pag-ibig ikaw ay maghinay-hinay”
ang kanyang mahiwagang nunal ang salarin kaya kaming dalawa’y nagkahiwalay

IMG_1084

hay Inay! ang sumunod kong kasintahan ay si Libby at ganun din ang nangyari
“anak bakit ba ganun siyang makatingin sa iyo’t parang lagi kang hinuhubaran?
palabas-labas pa ang dila’t pinapaikot-ikot ang kanyang buhok ano ba iyan?”
para siyang kiti-kiti sa sapa’t pusang nanganganay na hindi ko mawarian” 

IMG_1060

IMG_1077

at ang naging huli kong kasintahan ay si Peach at umasa akong sana’y kami na
“anak, mamumulubi ka sa babaeng iyan at ang kulay ng buhok ay dilaw
sariwa pa ang kulay at nangangamoy ammonia’t berde ang kulay ng kuko niya
nakababad iyan sa parlor at ayaw marumihan tiyak na mabubutas ang iyong bulsa”

IMG_1068

IMG_1095

butas-butas nga ang daan kaparis ng pisngi ni Brando’t kami ngayo’y aalug-alog
maglaro muna kaya kami ni “Nunal” ng “Indian pana kakana-kana tatlong betlog…”
nang biglang may nangamoy aruy! siguradong ang almusal niya’y nilagang itlog
ang sabi nga ni Inay “huwag masyadong kumain ng itlog at baka ang utak ay mabugok!”

Paunawa: Ang mga litratong ito ay walang kinalaman sa tula ni Mrs. Punk Rock Cielito.

DSC_0299.jpg
Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito with our Sponsor, Ms. Bellie Kirschner of Kirschner Reisen.

***An Invitation To All***

Aviary Photo_131565905868997485

 

AGAINVITATION

Vielen Dank. Thank you very much. Maraming, maraming salamat po.

 

Submit a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s