- AMBITION IS THE NEW SEXY. “Women Be Ambitious” is the theme of PILYA BLOG Magazine Nov/Dec 2017. Vangie Rebot Jorquia (Evangeline Adicon Jorquia), the founder of ADICON Charity Organization in Sweden will grace our cover. This issue is dedicated to all ambitious women in Europe.
- for your attitude and dedication
- for every move
- for every hope
- for your love and inspiration
- for every goal and dream
- for every struggle and challenge
- STAND UP FOR YOURSELF
- be a go-getter
- be strong
- be thankful for the hard times for they have made you
- BE-YOU-TIFUL
- GOD BLESS THE WOMAN WITH AMBITION!
- Don’t miss this another Pilyamazing issue! It’s coming soon!

sila ang aking mga bida sa aking wishlist
kunwari sila’y ordinaryong tao ngunit ang katauhan ay malupit
ayon kay Mariah ang hero ay ang ating sarili’t kahit mas maliit ang dibdib
ang bawat tao’y “X” at may kakaibang factor at tayo’y bibilib
sige Wolverine buhat na’t umaapir na
ang mga masel mo sa braso’t paa
may daga-daga ka na rin sa dibdib
bilisan mo raw at ikaw pa’y iigib
ang dati mong katawang patpatin
ngayon nga’y isa ka ng machonurin
ikaw naman uy! at gusto lang kitang biruin
ako’y humahanga’t tambak ang iyong plantsahin
—————————————————————————————————————————————–
sa iyo “Wolf” ako’y napanganga’t labis na humahanga
sa mabalahibo mong dibdib at mahabang pilikmata
gusto ko ang iyong puting sando’t ang pantalon mong kupas
hindi kita mayakap at ang mga daliri mo’y nakakahawa’t matalas
—————————————————————————————————————————————–

kailan nga ba Professor X nasusukat ang ating lakas
kapag nasupil ang gusto’t laway ay tumagas
katulad ng pagtanggi mo sa panghimagas
pag-iwas sa gastos din at ang pera’y ayaw malagas
maaari rin sa pangit na sitwasyon ikaw ay nananatili
ayoko ng masikip na dyip ngunit sa pagmamadali’y di makapamili
ayaw mo rin ng mabaho’t magpalit ka ng katrabaho kasi
hate mo ba ang maputik O tawagin natin si Storm dali-dali
tigilan na nating mga Mystique ang sukatan ng katawan
wala sa ating hugis ang tunay na lakas at kagandahan
ipagpaubaya na lang natin iyan sa mga Kardashian
ang pinakamahalaga sa lahat ay ang lakas ng isipan

kung minsan ang malakas Beast at kinabukasan ay biglang nawawala
akalaing mong di siya naninigarilyo’t di rin umiinom ng alak pala
kahapon lamang ay kausap mo’t ngayo’y pinaglalmayan na
kung sino raw ang tunay na mabait ay siya nga bang nauuna?
kalokohan at basta raw siya’y umiinom ng mga bitamina
pampalakas ng tuhod at kay Cyclops pampatalas ng mga mata
napanood mo ba iyong komersyal ng kotse’t Viagra
ito ang nagpalaki’t nagpalakas sa isang kotseng luma na

katulad rin ba ng karakter ni mamang Magneto
ang lakas ng kanyang isipan at sa umpisa’y sabog ito
di niya masupil kaya sa kapahamakan ang tuloy nito
nang lumaon ay nakontrol niya’t napabilib niya ako
ang tunay na lakas Jean Grey ay ang pagiging positibo
“I must, I must!” at “Kaya Ko Ito!” iyan ang aking love motto
maraming loyal ngunit malikot ang mga mata’t labi’t iyan ang totoo
hindi raw niya pinangarap na palitan si “Tiny” sa Bagumbayan ngunit “No soy tonto!”
Paunawa: Ang mga larawan ay walang kinalaman sa aking tula’t ito’y pawang kathang isip lamang.
